Isinagawa ng Agricultural Training InstituteโRegional Training Center I (ATI-RTC I) ang e-Learning Briefing and Orientation ngayong umaga, Agosto 26, 2025, sa Don Mariano Marcos Memorial State UniversityโSouth La Union Campus (DMMMSU-SLUC) sa Agoo, La Union.
Layunin ng aktibidad na ipakilala at ipalaganap ang e-Extension Program ng ATI, partikular na ang e-Learning component nito, upang higit pang mapaunlad ang digital skills ng mga mag-aaral.
Sa kaniyang presentasyon, ibinahagi ni Mr. Alladin C. Tabo, Information Officer II ng ATI-RTC I, ang kahalagahan ng e-Learning at ang mga hakbang sa pagrerehistro sa naturang platform. Matapos ang talakayan, matagumpay na nakagawa ng kani-kanilang account ang mga lumahok na estudyante at guro, na magsisilbing susi upang mas mapadali ang kanilang pag-aaral gamit ang makabagong teknolohiya.
Pinangunahan naman ni Dr. Maricel D. Dacapias, Information Services Section Chief ng ATI-RTC I, ang pagpapaliwanag tungkol sa nalalapit na mass graduation ng mga e-Learning completers na nakatakdang idaos sa Nobyembre 5, 2025. Binigyang-diin niya na ang nasabing seremonya ay pagkilala sa dedikasyon at pagsisikap ng mga magsasaka, guro, at kabataan na nagsikap matapos ang kani-kanilang kurso online.
Samantala, taos-pusong ipinahayag ni Dr. Joanne C. Rivera, Chancellor ng DMMMSU-SLUC, ang kaniyang pasasalamat sa ATI-RTC I sa pagdadala ng programang ito sa kanilang pamantasan. Aniya, โTunay na napakaganda ng programang ito dahil ito ay naaakma sa pangangailangan ng edukasyon sa panahong digital.โ
Kabuuang 65 na mag-aaral at guro mula sa Bachelor of Science in Agriculture program ng DMMMSU-SLUC ang lumahok sa nasabing orientation. Inaasahan na magsisilbi silang mga tagapagbahagi ng kaalaman upang higit pang maipalaganap ang paggamit ng e-Learning sa hanay ng iba pang mag-aaral at komunidad ng unibersidad.
Sa kabila ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya at digitalisasyon, nananatiling katuwang ng ATI-RTC I ang mga akademikong institusyon sa pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon at pagbibigay ng mas inklusibong oportunidad para sa mga guro at kabataan sa rehiyon.