𝐃𝐀-𝐀𝐓𝐈-𝐑𝐓𝐂 𝟏, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚𝐠𝐮𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐈𝐑𝐏 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐨𝐧𝐞𝐧𝐭 𝟐 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐜𝐚𝐥𝐚

Wed, 07/16/2025 - 10:17
𝐃𝐀-𝐀𝐓𝐈-𝐑𝐓𝐂 𝟏, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚𝐠𝐮𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐈𝐑𝐏 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐨𝐧𝐞𝐧𝐭 𝟐 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐜𝐚𝐥𝐚

Isinagawa ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1 (DA-ATI-RTC 1), katuwang ang lokal na pamahalaan ng Alcala, Pangasinan ang Inauguration Ceremony para sa Swine Industry Recovery Project (SIRP) Component 2 noong Hulyo 11, 2025, sa Alcala, Pangasinan.

Ang seremonya ay pinangunahan ni DA-ATI-RTC I Center Director Dr. Jayvee Bryan Carillo, at dinaluhan nina Alcala Mayor Atty. Manuel Collado, Bise Mayor Jojo Callejo, kasama ang mga konsehal ng munisipyo at mga miyembro ng Alcala Tobacco Rice Corn Agricultural Cooperative.

Layunin ng proyektong SIRP Component 2 na maparami ang produksyon ng baboy at tulungan ang mga magsasaka na muling itayo at gawing moderno ang kanilang kinagawiang operasyon. Ito ay sa pamamagitan ng pagtutok sa mga mahahalagang bahagi ng operasyon tulad ng pagpapabuti ng bio-security upang maiwasan ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF).

Ang pangmatagalang layunin ng proyektong ito ay maitatag at mapanatili ang industriya ng pag-aalaga ng baboy sa Alcala, Pangasinan. Sa proyektong ito ay makikinabang ang mga magsasaka kasama rin ang pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon sa larangan ng pag-aalaga ng mga baboy.

𝐃𝐀-𝐀𝐓𝐈-𝐑𝐓𝐂 𝟏, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚𝐠𝐮𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐈𝐑𝐏 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐨𝐧𝐞𝐧𝐭 𝟐 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐜𝐚𝐥𝐚
article-seo
bad