Isinagawa ng Department of Agriculture-Agricultural Training InstituteโRegional Training Center I (DA-ATI-RTC 1) ang Training on Mokusaku Technology and Institutional Management for Rural-Based Organizations (RBOs) noong Agosto 18โ19, 2025 sa DA-ATI-RTC 1, Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang Rural-Based Organizations (RBOs) sa Rehiyon 1 kabilang ang Pambansang Mannalon, Mag-uuma, Magbabaul, Magsasaka ng Pilipinas (P4MP), Rural Improvement Club (RIC), 4H Club, at Volunteer Leaders Association of the Philippines (VLAP).
Layunin ng pagsasanay na maibahagi ang tamang kaalaman sa paggawa at paggamit ng Mokusaku Technologyโisang teknolohiya na lumilikha ng wood vinegar na kapaki-pakinabang bilang organikong abono, pangtaboy sa mga peste, at pampaganda ng lupa.
Kabilang sa aktbidad ay ang pagbisita sa pasilidad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) Pangasinan, kung saan kanilang nasilayan ang aktuwal na paggamit at pagpapatupad ng Mokusaku Technology. Ang karanasang ito ay nagbigay-diin sa praktikal na aplikasyon ng teknolohiya at nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok na maisabuhay ang kanilang mga natutunan.
Sa kabilang dako, natalakay rin ang Institutional Management upang higit pang mapalakas ang pamumuno, pamamahala, at kakayahan ng mga organisasyon sa pagpapaunlad ng kanilang mga proyekto at komunidad.
Bahagi ng aktibidad ang isang konsultasyon na pinangunahan ni Dr. Jayvee Bryan G. Carillo, Center Director ng ATI-RTC 1, kasama ang mga kinatawan ng P4MP, RIC, 4H Club, at VLAP. Dito tinalakay ang mga suhestiyon, karanasan, at oportunidad para sa mas matatag na kolaborasyon sa pagpapaunlad ng mga RBOs sa Rehiyon 1.
Bilang pagtatapos ng pagsasanaay, ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang kasiyahan sa kabuuan ng pagsasanay. Para sa kanila, malinaw at organisado ang naging daloy ng mga paksa, nakapagbigay-linaw ang mga Resource Persons, at naging kapaki-pakinabang ang mga dagdag na kaalaman ukol sa teknolohiya.
Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay at konsultasyon, inaasahan ng ATI-RTC 1 na higit pang mapaunlad ang kapasidad ng mga organisasyon tungo sa likas-kayang produksyon, mahusay na pamamahala, at mas maunlad na pamayanan.