DA-ATI-RTC I Nagsagawa ng Refresher Course sa Pagmamais para sa mga AEW sa Rehiyon Uno

Wed, 05/06/2026 - 13:30
DA-ATI-RTC I Nagsagawa ng Refresher Course sa Pagmamais para sa mga AEW sa Rehiyon Uno

Bilang suporta sa pagtataguyod ng pagpapataas ng ani at kita sa pagmamais sa Rehiyon Uno, nagsagawa ang Department of Agriculture-Agricultural Training Institute-Regional Training Center I (DA-ATI-RTC I) ng Refresher Course on Corn Production and Post-Harvest Technologies for Agricultural Extension Workers noong Abril 20-24, 2026 sa Aliguas Hall, DA-ATI-RTC I, Sta. Barbara, Pangasinan. Layunin ng pagsaanay na mabigyan o madagadagan ang kaalaman at kakayahan ng mga AEWs na silang magpapalaganap patungkol sa maunlad na pagmamais. Dinaluhan ito ng 26 na AEWs mula sa iba-ibang bayan ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan at tatlong (3) kawani mula sa DA-Regional Field Office I (DA-RFO I).

Umani ang mga kalahok ng kaalaman at kakayahan sa pagmamais sa pamamagitan ng mga talakayan sa loob ng silid-sanayan, pagbabahaginan ng kaisipan at mga karanasan, mga workshop, at aktuwal na demonstrasyon na isinagawa nina Ms. Raquel U. Lopez, Mr. Joseph D. Villanueva, at Ms. Janet T. Manuel mula sa DA-Regional Crop Protection Center I (DA-RCPC I); Mr. Ruel M. Ramos mula sa DA-RFO I; Ms. Noemi A. Avenida mula sa BPI-National Seed Quality Control Services I (BPI-NSQCS I); Mr. Goldwin T. De Leon mula sa National Food Authority–Regional Office I (NFA-RO I); at Engr. Jordan G. Gabur mula sa DA-ATI-RTC I.

DA-ATI-RTC I Nagsagawa ng Refresher Course sa Pagmamais para sa mga AEW sa Rehiyon Uno

Tampok sa pagsasanay ang mga paksa tungkol sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, pamamahala sa patubig, pamamahala sa nutrisyon, pagpuksa ng mga peste, pag-aani at mga gawain pagkatapos ng ani tulad ng shelling, pagbibilad at pangangalaga sa imbakan. Nagkaroon din ng aktuwal na demonstrasyon sa paggamit ng four-wheel tractor at Nutrient Expert for Maize Philippines (NEMPh) application, isang software na nagbibigay ng agarang fertilizer recommendation para sa tanim na mais sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan.

Pagkatapos ng limang araw, ipinahayag ng mga kalahok na ang pagsasanay ay may malaking tulong upang mapalaganap ang mas maunlad at kapaki-pakinabang na maisan sa Region 1. Naintindihan din nila ang papel na kailangan nilang gampanan bilang mga gabay ng mga magsasaka tungo sa paggamit ng wasto at akmang teknolohiya, katulad ng tamang pagpili ng binhing mais; panahon ng pagpapatubig; tamang dami, uri at napapanahon ng pagpapataba; mga palatandaan ng wastong panahon ng pag-aani; at mga dapat gawin upang mapanatili ang  magandang kalidad ng mais.

Inaasahan na ang mga kalahok na AEWs ay sasailalim sa Specialized Course on Corn Integrated Pest Management sa Mayo 4-8, 2026, upang paigtingin pa ang kanilang kaalaman sa pamamahala ng peste sa mais at paggamit ng Biological Control Agents (BCAs).

DA-ATI-RTC I Nagsagawa ng Refresher Course sa Pagmamais para sa mga AEW sa Rehiyon Uno
article-seo
bad