Magsasaka sa Sto. Tomas, Pangasinan, Pinagyaman ang Kasanayan sa Produksyon ng Manok at Pagbuo ng Abot-Kayang Pakain

Mon, 08/11/2025 - 15:26
Magsasaka sa Sto. Tomas, Pangasinan, Pinagyaman ang Kasanayan sa Produksyon ng Manok at Pagbuo ng Abot-Kayang Pakain

Isinagawa ng ATI Ilocos Region kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Sto. Tomas, Pangasinan ang Training on Chicken Production and Feed Formulation Utilizing Local Materials (Batch 2) noong Agosto 5–7, 2025 sa Barangay San Antonio, Sto. Tomas, Pangasinan.

‎Layunin ng tatlong-araw na pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka sa wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng manok at paggawa ng sariling pakain gamit ang mga abot-kayang lokal na sangkap.

Kabuuang 30 magsasaka mula sa United Barangay San Antonio Santo Tomas Farmers Association Inc. (UBSASTFAI) ang dumalo sa naturang aktibidad. Sila ay mga inenderso ng Department of Agriculture - Regional Field Office 1 (DA-RFO 1) na benepisyaryo rin ng programang Special Area for Agricultural Development o SAAD.

Magsasaka sa Sto. Tomas, Pangasinan, Pinagyaman ang Kasanayan sa Produksyon ng Manok at Pagbuo ng Abot-Kayang Pakain
Magsasaka sa Sto. Tomas, Pangasinan, Pinagyaman ang Kasanayan sa Produksyon ng Manok at Pagbuo ng Abot-Kayang Pakain

Nagsilbing tagapagsasanay si G. Lester Arandia mula sa Pangasinan State University – San Carlos City Campus, na nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa larangan ng produksyon ng manok at tamang paghahanda ng pakain.

‎Bukod sa teorya, nagsagawa rin ng praktikal na gawain tulad ng tamang paghahalo ng pakain, pangangalaga sa kalusugan ng manok, at mga estratehiya upang mapataas ang kita mula sa produksyon.

Inaasahang magagamit ng mga magsasaka ang kanilang natutunan upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan at mapalakas ang industriya ng manok sa kanilang komunidad.

article-seo
bad