Matagumpay na isinagawa ng Agricultural Training Institute - Regional Training Center 1 (ATI-RTC 1), katuwang ang La Union Agriculture and Fishery Extension Center Office, ang "Harvesting Harmony: Empowering Farmers and Fisherfolks through Rice-Fish Farming Training (Batch 1)" sa bayan ng San Juan, La Union noong Setyembre 25-27, 2025. Dalawampu't limang (25) magsasaka mula sa anim na barangay: Dasay, Bugbugcao, Duplas, Nagsabaran, Nagyubuyuban, at Saracat --ang aktibong nakilahok, sa tulong ng LGU-San Juan, La Union na siyang pumili ng mga benepisyaryo.
Pinangunahan ng mga teknikal na tauhan ng OPAg, La Union ang tatlong-araw na pagsasanay. Tinalakay nila ang mga paksa tulad ng mga benepisyo at hamon ng rice-fish farming, tamang pagpili at paghahanda ng lugar, angkop na uri palay, pinagsamang pamamahala ng bukirin; gayundin ang wastong pag-aalaga ng isda. Sa mga napag-aralan nila ay makaktulong upang pataasin produksyon, magkaroon ng karagdagang kita at pahusayin ang kabuhayan ng mga magsasaka't mangingisda.