Nakiisa ang Agricultural Training Institute โ Regional Training Center I (ATI-RTC I) sa ika-12 PAA National Congress at 2025 Philippine Agriculturistsโ Summit na kasalukuyang ginaganap sa SMX Convention Center, Bacolod City.
May temang โTransformative Agriculture Towards a Resilient and Sustainable Food Systems,โ tampok sa pagtitipon ang malinaw na pagpapahayag sa mahalagang papel ng ATI sa pagsusulong ng Transformative Agriculture.
Kabilang sa mga tampok na presentasyon ang inilatag ni ATI Director Engr. Remelyn R. Recoter, MNSA, CESO III, hinggil sa "Transforming Agri-extension through the ATI Curriculum Framework," na naglalarawan kung paano binabago ng ATI ang pamamaraan ng pagbibigay ng extension services upang higit na matugunan ang pangangailangan ng makabagong panahon.
Nagbahagi rin si Director Elsa A. Parot ng DA-ATI Region V tungkol sa kanilang regional initiative na "Promoting Agro-enterprise Innovation Toward Achieving Agricultural Sustainability (PAITAAS) Top 555," nilalayon nito na suportahan ang 500 magsasaka sa pagprodyus ng 500 tonelada ng limang climate-resilient crops (Uraro, Taro, Malunggay, Cassava, at Ube) buwan-buwan sa loob ng limang taon.
Samantala, isang Learning Site for Agriculture (LSA) mula sa Sta. Barbara, Iloilo (Region VI) ang nagbahagi ng kanilang best practices sa Sustainable Agriculture through the Circular Economy Model, na nagpapakita ng integratibong pamamahala ng mga yaman upang makamit ang zero waste at mas produktibong sistema sa pagsasaka.
Ang mga pagbabahaging ito ay patunay sa masigasig na pakikiisa ng ATI sa hanay ng mga agriculturist tungo sa matibay at matatag na sistema ng agrikultura sa bansa.
Ang nasabing pagtitipon ay tatagal hanggang Agosto 1, 2025.