Isinagawa ng Department of AgricultureโAgricultural Training InstituteโRegional Training Center I (DA-ATI-RTC 1) ang Training on Coconut Coir Processing mula Abril 13 hanggang 17, 2026 sa IMA Integrated Farm, Brgy. Caparispisan, Pagudpud, Ilocos Norte.
Layunin ng limang araw na pagsasanay na mabigyan ng wastong kaalaman, kasanayan, at pag-uugali ang 30 magniniyog mula sa Ilocos Norte upang makalikha ng mga produktong coconut coir na tiyak na tatangkilikin ng merkado.
Tampok sa naturang pagsasanay ang mga lecture-discussion, workshop, at hands-on demonstration, kung saan natutunan ng mga kalahok ang proseso at ibaโt ibang pamamaraan ng paggawa ng mga produktong mula sa coconut coir. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nagkaroon ng praktikal na karanasan ang mga magsasaka sa pagproseso ng mga by-product ng niyog tungo sa kapaki-pakinabang at may dagdag-halagang mga produkto.
Nakabuo rin ang bawat kalahok ng re-entry plan na naglalaman ng mga hakbang upang mas gawing kapaki-pakinabang ang mga bunot ng niyog at makagawa ng mga coconut by-product.
Nagsilbing tagapagsanay sina Engr. Rose Anne R. Cabalaoan ng Philippine Coconut Authority (PCA) Regions I, II, at CAR; Dr. May M. Leaรฑo ng Cagayan State University (CSU), Sanchez Mira, Cagayan; at Ms. Leah Mae Buenavides ng Department of Trade and Industry (DTI)โIlocos Norte.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, panibagong hakbang na naman ang naisakatuparan tungo sa pagpapalakas ng mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng inobasyon, at pagpapaunlad ng kabuhayan gamit ang yamang niyog.