Pangasinan Rice Farmers, Pinagtibay ang Kasanayan sa Smart Agriculture Technologies

Tue, 11/18/2025 - 14:17
Pangasinan Rice Farmers, Pinagtibay ang Kasanayan sa Smart Agriculture Technologies

Isinagawa ng Department of Agricultureโ€“Agricultural Training Institute-Regional Training Center I (DA-ATI-RTC 1) ang Digital Farmers Program (DFP) Farm Learn Phase II: DFP 103 Smart Agriculture Technologies (SATs) for Rice noong Oktubre 27โ€“29, 2025 sa ATI-RTC I, Tebag East, Sta. Barbara.

Layunin ng tatlong-araw na pagsasanay na bigyan ang mga lider-magsasaka at kabataan ng mas malalim na kaalaman at praktikal na kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa agrikultura, partikular na ang paggamit ng drone technology upang mapataas ang episyente at produktibidad sa pagtatanim ng palay.

Pangasinan Rice Farmers, Pinagtibay ang Kasanayan sa Smart Agriculture Technologies
Pangasinan Rice Farmers, Pinagtibay ang Kasanayan sa Smart Agriculture Technologies

ย 

Tinalakay sa mga sesyon ang ibaโ€™t ibang digital applications na makatutulong sa mas maayos na pamamahala at pagdedesisyon sa sakahan. Naging bahagi ng aktibidad ang serye ng lecture-discussions, hands-on demonstrations, at isang field demo ng drone fertilizer application na isinagawa sa San Manuel, Pangasinan. Sa nasabing aktibidad, mas naipakita kung paano nakatutulong ang mga smart tools sa pag-optimize ng abono, oras, at decision making.

Pangasinan Rice Farmers, Pinagtibay ang Kasanayan sa Smart Agriculture Technologies
Pangasinan Rice Farmers, Pinagtibay ang Kasanayan sa Smart Agriculture Technologies

Dalawampuโ€™t limang (25) lider-magsasaka at kabataang delegado mula sa ibaโ€™t ibang bayan at lungsod ng Pangasinan ang matagumpay na nakatapos ng pagsasanay. Itinuturing itong mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng digital skills ng mga rice farmers at sa mas malawak na pagpapatupad ng smart agriculture technologies sa rehiyon.

article-seo
bad