Thu, 07/09/2026 - 16:18

IMG_9854.JPG

Patuloy ang serbisyong hatid ng Agricultural Training Institute Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) sa pagpapalaganap ng impormasyon at makabagong teknolohiyang pang-agrikultura. Bilang pagpapatuloy ng misyong ito, inilunsad naman sa bayan ng Iguig, Cagayan ang Farmers Information and Technology Services (FITS) Center kasabay ng paggawad ng Logistic Support sa Municipal Agriculture Sub-Office sa Barangay Minanga Norte noong Hulyo 8, 2026.

Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ng Iguig ang programa katuwang Agricultural Training Institute-Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) at iba pang partner agencies upang higit pang mapalakas ang information and extension services para sa mga magsasaka at mangingisda ng bayan.

IMG_9851.JPG

Dinaluhan ang mga programa ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya, akademya, kabataan representative at mga magsasaka na siyang pangunahing benepisyaryo ng mga serbisyong ihahatid ng bagong bukas na FITS Center.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Sangguniang Bayan Member at Chairperson ng Committee on Agriculture Hon. Ventura D. Zinampan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa ATI-RTC 02 sa patuloy nitong pagsuporta sa sektor ng agrikultura sa kanilang bayan. Inilarawan niya ang FITS Center bilang isang “tahanan ng kaalaman” para sa mga magsasaka at mangingisda-isang lugar kung saan maaari silang makakuha ng mga napapanahong babasahin, impormasyon, at teknolohiyang makatutulong upang mapahusay ang kanilang mga sakahan at mapataas ang kanilang produksyin.

Binigyang-diin din niya na sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, mahalagang magkaroon ng isang sentrong madaling mapuntahan ng mga magsasaka upang makasabay sila sa mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka at pangingisda. Aniya, ang pagtatatag ng FITS Center ay patunay ng sama-samang hangarin ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng ATI-RTC 02 at ng lokal na pamahalaan na patuloy na mapabuti ang kalagayan ng mga farmers at fisherfolk sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahon at mapagkakartiwalaang impormasyon.

IMG_9953.JPG

Kasunod nito, tinalakay ni Mr. Vladimir B. Caliguiran, chief ng Information Services Section ng ATI-RTC 02, ang Techno Gabay Program (TGP) at ang mahalagang papel nito sa pagpapalwak ng access ng mga magsasaka sa makabagong teknolohiya at impormasyon. Ipinaliwanag niya na ang FITS Center ang nagsisilbing pangunahing daluyan ng mga research-based technologies, Information, Education and Communication (IEC) materials, at iba pang learning resources na makatutulong sa pagpapataas ng produktibidad at kita ng mga benepisyaryo. Binigyang-pansin din niya ang patuloy na suporta ng programa sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga coconut farmers, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga angkop na impormasyon at teknolohiyang kailangan nila.

Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Ms. Jamaica Pedro ng Cagayan State University (CSU), na nagpahayag ng pasasalamat sa ATI-RTC 02 sa pangunguna nito sa pagpapalakas ng information and extension services sa rehiyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya, akademya, at lokal na pamahalaan upang higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga magsasaka.

IMG_0074.JPG

Nagpahayag din ng suporta si Mr. James Kennard Jacob, deputy director ng Cagayan Valley Agriculture, Aquatic and Resources Research and Development (CVAARRD) na muling pinagtibay ang kahalagahan ng kolaborasyon ng iba’t ibang institusyon sa pagpapalawak ng kaalaman, pananaliksik, at teknolohiyang makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga komunidad na nakasalalay sa agrikultura.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Mr. James C. Balubal, Municipal Agriculturist ng Iguig, Cagayan sa ATI-RTC 02 para sa mga logistic support na ipinagkaloob sa kanilang FITS Center. Aniya, ang mga kagamitang ito ay malaking tulong upang mas maging episyente ang kanilang paghahatid ng mga extension services sa kanilang mga magsasaka at mangingisda. Dagdag pa niya, patuloy na isusulong ng Municipal Agriculture Office ang mga programang magpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng kanilang mga benepisyaryo, bilang pagtupad sa kanilang mandatong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga farmers at fisherfolks sa pamamagitan ng makabago at sustenableng agrikultura.

Isa sa mga tampok ng programa ang pormal na pagkakaloob ng iba’t ibang logistic support para sa FITS Center, kabilang ang printer, flat screen television, IEC racks, Information, Education and Communication (IEC) materials, at iba pang kagamitan na magsisilbing mahalang suporta sa pagbibigay ng impormasyon, pagsasanay, at mga serbisyong pang-agrikultura sa komunidad.

Sa kanyang response message, muling pinagtibay ni Dr. Claris Marayag Alaska, Center Director ng ATI-RTC 02, ang layunin ng institusyon na mailapit sa mga magsasaka ang mga makabagong kaalaman at teknolohiya sa pamamagitan ng mga FITS Center. Hinikayat niya ang mga magsasaka na lubos na gamitin ang pasilidad bilang sentro ng pagkatuto at samantalahin ang internet access at iba pang learning resources upang patuloy na mapalawak ang kanilang kaalaman sa makabagong sistema ng pagsasaka.

IMG_0043.JPG

Binigyaan-diin din niya na ang bawat programa ng ATI-RTC 02 ay nakatuon sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda. Aniya, sa kabila ng iba’t ibang hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura, mananatiling matatag at dedikado ang mga magsasaka sa kanilang mahalagang tungkulin bilang tagapagtaguyod ng seguridad sa pagkain at isa sa pangunahing haligi ng ekonomiya ng bansa.

Hinimok din ni Dr. Alaska ang mga magsasaka na isabuhay sa Integrated Farming System, kung saan pinagsasama ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop gaya ng poultry at livestock upang magkaroon ng karagdagang pinagkukunan ng kitaat mas magiging matatag ang kanilang kabuhayan. Ipinaalala rin niya na patuloy na nagsasagawa ang ATI-RTC 02 ng mga pagsasanay at capacity-building activities upang higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa iba’t ibang larangan ng agrikultura.

Bilang bahagi ng kanyang mensahe, ibinahagi din ni Dr. Alaska ang iba’t ibang youth development program ng ATI-RTC 02, kabilang ang mga intership at experiential learning opportunities na nagbibigay sa mga mag-aaral at kabataan ng pagkakataong matuto sa aktuwal na kalagayan ng sektor ng agrikultura. Layunin ng  mga programang itona mahikayat ang mas maraming kabataan na yakapin ang agrikultura bilang isang makabago, mahalaga, at may malaking potensyal na propesyon ta kabuhayan.

Sa pamamagitan ng bagong bukas na FITS Center at mga ipinagkaloob na kagamitan, inaasahang mas maraming farmers, fisherfolks, at maging ang mga kabataan ang magkakaroon ng mas madaling akses sa makabagong kaalaman, inobasyon, at mga programang magpapataasn ng kanilang produktibidad at mag-aambag sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Iguig, Cagayan.

 

By: Regie Culang and Jolina Sanchez

article-seo
bad