Mon, 12/01/2025 - 08:41

 

Hindi inaasahan ng marami na magsisilbing simula ng kanilang digital journey ang pagdalo sa Training on Digital Farmers Program (DFP) ng Baru a Langa ti Mannalon Agriculture Cooperative, pero ito mismo ang nangyari kay Alcorexon Lacerna ng Gamu, Isabela.

“Dati din, hindi ako gumagamit ng cellphone, ngayon natuto na ako na marami palang apps na pwede sa cellphone natin. Malaking tulong ito sa palayan natin, sa mga pamatay damo andito na. Ngayon, nagkaroon na ako ng interest sa cellphone nayan, kaya bumili na ako ng cellphone para sa sarili ko dahil wala akong cellphone dati. Kaya, ditto mas gagawin kong kapaki-pakinabang ang cellphone na ito.” saad ni Ginoong Alcorexon Lacerna na isang miyembro ng kooperatiba sa Gamu, Isabela.

Kasama niya ang 27 magsasaka at kabataang kinatawan sa training noong Nobyembre 18–21, 2025 sa Gamu, Isabela. Tinuro rito ang paggamit ng digital agriculture tools, mobile farm apps, social media strategies, at financial technologies upang mapabuti ang operasyon at marketing ng kanilang sakahan.

Malaki ang naitulong ng mas nakababatang kalahok sa pagpapakita ng paggamit ng mobile apps, online communication tools, at digital content creation na mahalaga sa produktibidad at marketing ng kooperatiba.

Kasama rin sa pagsasanay ang agricultural drone demonstration para sa fertilizer spraying kung saan mas naunawaan ng mga kalahok ang potensyal ng ganitong teknolohiya para sa mas episyente at mas ligtas na operasyon sa sakahan.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, isinulat ng mga kalahok ang kanilang re-entry plan—mga hakbang kung paano nila ibabahagi at isasakatuparan ang kanilang natutunan upang maisulong ang digital adoption sa kanilang komunidad. Nakatanggap din sila ng Package of Technology (POT) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement upang suportahan ang kanilang mga planadong digital initiatives.

Ang pagsasanay na ito ang huling batch mula sa siyam na farm cluster trainings sa cycle na ito, na nagmarka ng mas malawak na pagtanggap at pag-unawa sa digital transformation sa agrikultura.

Hindi inaasahan ng marami na magsisilbing simula ng kanilang digital journey ang pagdalo sa Training on Digital Farmers Program (DFP) ng Baru a Langa ti Mannalon Agriculture Cooperative, pero ito mismo ang nangyari kay Alcorexon Lacerna ng Gamu, Isabela.

“Dati din, hindi ako gumagamit ng cellphone, ngayon natuto na ako na marami palang apps na pwede sa cellphone natin. Malaking tulong ito sa palayan natin, sa mga pamatay damo andito na. Ngayon, nagkaroon na ako ng interest sa cellphone nayan, kaya bumili na ako ng cellphone para sa sarili ko dahil wala akong cellphone dati. Kaya, ditto mas gagawin kong kapaki-pakinabang ang cellphone na ito.” saad ni

Ginoong Alcorexon Lacerna na isang miyembro ng kooperatiba sa Gamu, Isabela.

Kasama niya ang 27 magsasaka at kabataang kinatawan sa training noong Nobyembre 18–21, 2025 sa Gamu, Isabela. Tinuro rito ang paggamit ng digital agriculture tools, mobile farm apps, social media strategies, at financial technologies upang mapabuti ang operasyon at marketing ng kanilang sakahan.

Malaki ang naitulong ng mas nakababatang kalahok sa pagpapakita ng paggamit ng mobile apps, online communication tools, at digital content creation na mahalaga sa produktibidad at marketing ng kooperatiba.

Kasama rin sa pagsasanay ang agricultural drone demonstration para sa fertilizer spraying kung saan mas naunawaan ng mga kalahok ang potensyal ng ganitong teknolohiya para sa mas episyente at mas ligtas na operasyon sa sakahan.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, isinulat ng mga kalahok ang kanilang re-entry plan—mga hakbang kung paano nila ibabahagi at isasakatuparan ang kanilang natutunan upang maisulong ang digital adoption sa kanilang komunidad. Nakatanggap din sila ng Package of Technology (POT) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement upang suportahan ang kanilang mga planadong digital initiatives.

Ang pagsasanay na ito ang huling batch mula sa siyam na farm cluster trainings sa cycle na ito, na nagmarka ng mas malawak na pagtanggap at pag-unawa sa digital transformation sa agrikultura.

-Fevie Dianne M. Peralta and Aileen Shaye C. Fontanilla

article-seo
bad