Tue, 05/05/2026 - 19:53

Dalawamput-dalawang agricultural extension workers (AEWs) mula sa iba’t-ibang lalawigan sa Lambak ng Cagayan  ang lumahok sa limang araw na pagsasanay sa makabagong Smart Greenhouse Technology at Hydroponics na isinagawa sa Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02, Cabagan Center, Garita Heights, Cabagan, Isabela, noong  April 20–24, 2026.

IMG_9820.JPG

Ang pagsasanay ay bahagi ng pinalawak na implementasyon ng Department of Agriculture – Regional Field Office 02 (DARFO02) sa ilalim ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP), na layong palakasin ang produksyon ng pagkain sa mga urban at kalapit-lungsod gamit ang efficient at climate-smart na teknolohiya.

d317f237-5945-4e13-8202-7593ec039cc6.jpg

Sa gitna ng tumitinding hamon sa food security at epekto ng climate change, isinusulong ng programa ang paggamit ng greenhouse farming at hydroponics, mga sistemang nagbibigay-daan sa kontroladong produksyon, mas mataas na ani, at mas episyenteng paggamit ng tubig at pataba.

IMG_9777.JPG

Tinalakay sa training ang mahahalagang aspeto ng modernong produksyon ng gulay kabilang ang system design, nutrient management, at crop production practices, na layuning ihanda ang mga AEWs bilang trainers sa kani-kanilang komunidad.

IMG_9710.JPG

Ayon kay Ms. Leona P. Perez, AEW mula Quirino, malaking tulong ang kanyang natutunan sa pagsasanay. “First time ko po sa ganitong training at marami akong bagong kaalaman sa greenhouse at hydroponics. Malaking bagay ito para maibahagi ko sa aming probinsya.”

IMG_9857.JPG

Para naman kay Ms. Agnes K. Dalas mula Alfonso Castañeda, mahalagang hakbang ang pagpasok ng bagong teknolohiya sa kanilang lugar. “Soil-based pa ang sistema namin. Ngayon, may dagdag na akong kaalaman sa hydroponics na puwede kong i-apply sa mga magsasaka.”

IMG_9897.JPG

Samantala, sinabi  naman ni Mr. Wirthlin John Cambri, isang AEW mula Tuguegarao City na napapanahon ang pagsasanay lalo’t may nakaambang proyekto sa kanilang lugar. “Mas kampante na akong ipatupad ang hydroponics project dahil mas malinaw na ang proseso at aplikasyon.”

IMG_9828.JPG

Ayon sa ATI-RTC 02, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang matiyak na ang mga AEWs ay handang maghatid ng makabagong kaalaman sa grassroots level, bilang suporta sa layunin ng DARFO02 na isulong ang mas matatag at sustainable na agrikultura.

IMG_9840.JPG

Nagbigay naman ng gabay sa pagbubukas ng programa si Ms. Joan May Z. Bareno, habang binigyang-diin ni Mr. Vladimir B. Caliguiran, OIC–Assistant Center Director at Chief ng Information Services Section ang kahalagahan ng pagyakap sa modernong teknolohiya sa agrikultura.

IMG_9823.JPG

Maliban pa sa mga lectures, nagkaroon din ng benchmarking sa Quezon Isabela Livelihood and Skills Training Assessment Center sa bayan ng Quezon, Isabela. Layunin din ng nasabing  aktibidad na mapalalim ang kaalaman at kasanayan ng mga trainee sa greenhouse management at agricultural practices.

IMG_9827 (1).JPG

Sa naturang pagsasanay, inaasahang magiging katuwang ang mga sinanay na AEWs sa pagpapalawak ng smart agriculture technologies sa Region 02. Ito ay isang hakbang tungo sa mas produktibo, efficient, at matatag na produksyon ng pagkain sa rehiyon.

IMG_9813.JPG

article-seo
bad