Wed, 08/27/2025 - 09:37

Matagumpay na nagtapos ang 25 na kabataan mula sa iba’t ibang bayan ng Rehiyon 2 sa kanilang pagsasanay sa Youth for AI: Training on Basic Artificial Insemination and Pregnancy Diagnosis in Large Animals for Youth na isinagawa sa pangunguna ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DARFO 02), kasama ang Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02), Philippine Carabao Center (PCC), at iba’t-ibang  mga lokal na pamahalaan. Ito ay isinagawa sa DA-SCRC Annex, Solana, Cagayan noong Hunyo 16 hanggang Hulyo 18, 2025.

Nagsanay ang mga kabataan na may edad 18 hanggang 35, sa artificial insemination (AI) at pregnancy diagnosis (PD) sa mga malalaking hayop gaya ng baka at kalabaw.

495075063_612635134672553_2845176135780599006_n.jpg

Ang pagsasanay ito ay naglalayong mapabuti ang reproductive health, genetic quality, at kabuuang produksiyon ng mga hayop sa kanayunan.

496514817_2152201808619393_8146443073850644542_n.jpg

Samantala, sa mensaheng ibinahagi ni Judielyn Ramos ng Tumauini, Isabela, isa sa mga nagsanay, ipinahayag nito ang kagandahan ng programang ito,“Mairerekomenda ko itong training ng AI sa sa aking kapwa kabataan sapagkat ang programang ito ay hindi lang nagtuturo ng kaalaman, ito ay humuhubog ng puso, disiplina, at pananaw ng isang kabataang handang maglingkod sa bayan.”

517600711_715056421334141_1841051178067710574_n.jpg

Dagdag naman ni Marlon Gumaru ng San Manuel, Isabela, na nakita at nalaman nito ang kahalagahan ng nasabing pagsasanay at nakahanda itong mas palawigin pa ang kanyang kaalaman, “Noon, wala akong ideya kung paano ginagawa ang artificial insemination at pregnancy diagnosis, pero ngayon, alam ko na ang tamang proseso at kung gaano ito kahalaga sa pagpaparami ng mga baka at kalabaw. Hindi pala madali ang paggamit ng AI gun, pero magpapractice pa ako lalo para sa improvement ko.”

516383747_1653256722030083_6450728879875130534_n.jpg

Samantala, sa dalawang linggong community immersion ng mga ito, natutunan ng mga nasabing mga kabataan sa rehiyon kung paano ang tama at maingat na pagbibigay ng AI, pagkilatis ng senyales ng paglalandi at pagbubuntis, at ligtas na paghawak ng hayop. Sa mga pamamaraang ito, nahubog ang kakayahan ng mga kabataan na maging katuwang sa pagsulong ng agrikultura sa kanilang mga kani-kanilang mga lugar.

514190440_597935020028824_8049047556809128999_n.jpg

Nakalakip din sa pagsasanay ang hands-on practicum, kung saan kinailangan ng bawat isa na magsagawa ng AI at PD sa hindi bababa sa 30 mga hayop sa ilalim ng gabay ng mga lisensyadong beterinaryo at eksperto sa AI. Naranasan din nila ang tamang paghawak ng hayop, rectal palpation para sa pagbubuntis, at paggamit ng AI gun.

514537630_2596766783997631_5354320755881158777_n.jpg

Ang inisyatibong ito ay suporta para sa mga kabataan upang sila'y maging aktibong katuwang sa ng agrikultura at sa pagpaps-unlad ng komunidad.

509725714_1894917074654667_8796270663533851018_n.jpg

article-seo
bad