Isinagawa ang inagurasyon ng 30-Sow Level Multiplier and Techno Demo Farm para sa mga miyembro ng Reina Mercedes Farmers Agriculture Cooperative (RMFAC), sa Barangay Dangan, Reina Mercedes, Isabela noong October 13, 2025.
“Malaki ang pasasalamat namin sa ATI dahil sa tulong nila na mabigyan kami ng ganitong oportunidad,” wika ni RMFAC General Manager, Mr. Charles Josue sakanyang paunang bilang pagkilala sa gabay na hatid ng Agricultural Training Institute - Regional Training Center (ATI-RTC 02).
Sa mensahe ni Dr. Claris Marayag-Alaska, OIC-Center Director ng ATI-RTC 02, sinabi nito na nagbibigay diin sa kabuuang pag-unlad ng pamayanan ang dedikasyon ng kooperatiba. “Ang milestone na ito ay naging posible dahil sa sipag at dedikasyon ng kooperatiba at hindi lamang nakatuon para sa kapakanan ng kooperatiba, kundi para sa pangkalahatang benepisyo ng buong komunidad,” mensahe Dir. Alaska.
Ang proyektong ito ay bahagi ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE ng Department of Agriculture ang proyekto, sa panguguna ng Agricultural Training Institute kasama ang DA-Regional Field Office 02, lokal na pamahalaan, at iba pang ahensiya.
Ang isinagawang inagurasyon ay nagpapakita sa pagkakaisa ng kooperatiba at mga kabilang na ahensiya para sa pagpapaunlad ng swine raising, hindi lamang sa bayan ng Reina Mercedes, kundi sa buong probinsiya ng Isabela.
~Dr. Maurieann Manangan Turingan