Apatnapung miyembro ng iba’t ibang farmers’ cooperative and association (FCAs) na benepisyaryo ng mga makinang pang-agrikultura ang lumahok sa tatlong araw na Training on Operation and Maintenance of Rice Machines na isinagawa ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela, noong May 26-28, 2026.
Ang mga FCAs ay kabilang sa mga nabigyan ng makina sa mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech).
Sa loob ng tatlong araw, tinalakay ang land preparation, crop establishment, harvesting, threshing, drying at milling systems, operation and maintenance ng agricultural machines, at occupational health and safety. Ipinakilala rin sa mga kalahok ang iba't ibang kagamitang ginagamit sa produksyon ng palay kabilang ang four-wheel at two-wheel tractors, drum seeders, mechanical transplanters, mechanical reapers, combine harvesters, mechanical dryers, at rice mills.
Bilang bahagi ng pagsasanay, nagsagawa ng hands-on activities sa Learning Site for Agriculture SACDECO Integrated sa Rizal, Santiago City kung saan aktuwal na nagmaniobra at nag-operate ng mga makina ang mga kalahok. Nagkaroon din sila ng pagsasanay sa basic troubleshooting, maintenance procedures, at pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan habang gumagamit ng mga makina.
Ayon kay Arnel B. Lozano, presidente ng Arcon Maligaya Masaganang Magsasaka Inc. sa Tumauini, Isabela, naging malaking tulong ang pagsasanay sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa wastong paggamit at pangangalaga ng mga makinaryang pang-agrikultura."Naging malinaw sa amin ang tamang paggamit, pag-maintain at pag-aalaga ng makinaryang pang-agrikultura upang mas tumagal at maging epektibo ang paggamit nito. Natutunan din namin ang kahalagahan ng pagsusuot ng PPE para sa kaligtasan habang nagtatrabaho," ani Lozano.
Samantala, ibinahagi ni Katrina C. Rillera ng Flow of Pariir Agriculture Cooperative sa Cabatuan, Isabela na bagama’t nahirapan siya sa unang araw ng pagsasanay dahil bago sa kanya ang mga technical concepts, kalaunan ay naging mas malinaw ang mga aralin at nagkaroon siya ng mas malalim na pag-unawa sa operasyon at maintenance ng mga makinarya. Pinuri rin ni Judy F. Ralleca ng Nararagan Multipurpose Cooperative sa Ballesteros, Cagayan ang maayos na pagsasagawa ng programa, kabilang ang mga talakayan, pasilidad, at suporta ng training management team.
Layunin ng nasabing pagsasanay na palawakin ang kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga kalahok sa tamang operasyon, pagpapanatili, troubleshooting, at ligtas na paggamit ng mga makinaryang pangsaka upang higit na mapataas ang produktibidad at kahusayan sa produksyon ng palay.
Kaugnay nito, inaasahang higit na mapakikinabangan ng mga farmer-leader ang mga makinaryang ipinagkaloob sa kanilang mga samahan at magsisilbi silang tagapagbahagi ng kaalaman sa kanilang mga komunidad. Pinagtibay rin ng programa ang kahalagahan ng farm mechanization bilang susi sa mas effricient production, pagbawas sa labor dependency, at pagsusulong ng napapanatiling pagsasaka ng palay sa rehiyon.
Apatnapung miyembro ng iba’t ibang farmers’ cooperative and association (FCAs) na benepisyaryo ng mga makinang pang-agrikultura ang lumahok sa tatlong araw na Training on Operation and Management of Rice Machines na isinagawa ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela, noong May 26-28, 2026.
Ang mga FCAs ay kabilang sa mga nabigyan ng makina sa mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech).
Sa loob ng tatlong araw, tinalakay ang land preparation, crop establishment, harvesting, threshing, drying at milling systems, operation and maintenance ng agricultural machines, at occupational health and safety. Ipinakilala rin sa mga kalahok ang iba't ibang kagamitang ginagamit sa produksyon ng palay kabilang ang four-wheel at two-wheel tractors, drum seeders, mechanical transplanters, mechanical reapers, combine harvesters, mechanical dryers, at rice mills.
Bilang bahagi ng pagsasanay, nagsagawa ng hands-on activities sa Learning Site for Agriculture SACDECO Integrated sa Batal, Santiago City kung saan aktuwal na nagmaniobra at nag-operate ng mga makina ang mga kalahok. Nagkaroon din sila ng pagsasanay sa basic troubleshooting, maintenance procedures, at pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan habang gumagamit ng mga makina.