Sinimulan na ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02), katuwang ang Department of Agriculture – Regional Field Office 02 (DA-RFO 02) at Philippine Carabao Center sa Cagayan State University–Piat (PCC-CSU Piat), ang Pagsasanay sa Basic Artificial Insemination and Pregnancy Diagnosis para sa baka at kalabaw ito’y isinasagawa sa ATI-RTC 02 Center sa Cabagan, Isabela na nagsimula noong September 1, 2025 at matatapos sa ika-30 ngayong buwan.
Ang pagsasanay ay nilahukan ng mga agricultural extension workers na nagsisilbing livestock technicians mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Layunin nitong palakasin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa AI at PD upang mapabuti ang produksyon ng hayop.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mr. Jhimcelle V. Salvador, OIC-assistant center director ng ATI-RTC 02, ang kahalagahan ng pagbibigay kapasidad sa mga frontliner sa teknolohiya ng produksyon ng hayop. Aniya, mahalaga ang AI at PD sa pagpapahusay ng genetic potential, reproductive efficiency, at sa pagpapanatili ng sustainable na livestock development. Dagdag pa nito na ang pagpapataas ng kasanayan ng mga extension worker ay direktang nagdudulot ng mas mataas na produkyon, mas mahusay na serbisyo sa mga magsasaka, at mas matatag na siguridad sa pagkain sa rehiyon.
Samantala, ipinahayag ni Mr. Romulo A. Salas, Training Specialist III ng PCC-CSU Piat, ang buong suporta ng kanilang ahensya sa inisyatibo. Aniya, mahalagang masabayan ng patuloy na pagsasanay ang mga programang pang-livestock development, lalo na sa pagpapabuti ng lahi ng hayop at kalusugan nito sa pamamagitan ng AI. Ngunit iginiit niya na hindi magiging matagumpay ang mga ito kung walang sapat na bilang ng mga bihasang technician at extension worker na magpapatupad sa komunidad.
Ito ang ika-apat na pagkakataong nagsanib-puwersa ang ATI-RTC 02, DA-RFO 02, at PCC-CSU Piat para sa pagpapalakas ng livestock development sa rehiyon. Patunay ito ng matatag nadedikasyon ng mga ahensya sa pagbibigay ng maka-agham na teknolohiya at praktikal na pagsasanay sa mga AEW, livestock technician, at magsasaka.
Kasama sa pagsasanay ang mga lektyur, demonstrasyon, at aktwal na pagsasanay kung saan matututo ang mga kalahok ng tamang proseso ng AI at maagang pag-diagnose ng pagbubuntissa hayop. Bilang aplikasyon ng kanilang natutunan, magkakaroon ng AI at PD activities sa mga bayan ng Delfin Albano, Santa Maria, Tumauini, at Cabagan sa probinsiya ng Isabela sa ikatlo at ikaapat na linggo ng pagsasanay. Sa ganitong paraan, hindi lamang natututo ang mga kalahok, kundi direktang napakikinabangan din ng mga magsasaka ang kanilang serbisyo.
Ang pinagsanib na pagsisikap ng ATI-RTC 02, DA-RFO 02, at PCC-CSU Piat ay sumasalamin sa hangarin ng pamahalaan na ilapit ang mga maka-agham na teknolohiya sa komunidad. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, hindi lamang pinapalakasang kapasidad ng mga field worker sa pagpapataas ng produksyon ng hayop, kundi nagkakaroon din ng agarang benepisyo ang mga magsasaka. Sa tulong ng science-based interventions at aktibong pakikilahok ng komunidad, pinapalalim ang kaunlaran sa sektor ng livestock, pinapaangatang kabuhayan ng mga magsasaka, at pinalalakas ang seguridadsa pagkain sa rehiyon ng Cagayan Valley.
~Dr. Maurieann Manangan Turingan