Mon, 01/26/2026 - 15:25

Isinagawa ang unang batch  ng Training on Fertilizer and Pesticide Handling and Management for Farmer Leaders para sa taong 2026 ang Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02), katuwang ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), sa DA-SCRC Annex, Maguirig, Solana, Cagayan, noong January 21–23, 2026.

IMG_8293.JPG

Dinaluhan ang pagsasanay ng mga magsasakang nagtapos ng Farmers Field School (FFS) on PalayCheck System at FFS on Good Agricultural Practices (GAP) on Vegetable Production bilang bahagi ng patuloy na suporta sa mga magsasaka sa bayan ng Solana, Cagayan.

IMG_8319.JPG

Sa kanilang pagtatapos, nangako ang mga kalahok na agad nilang isasabuhay ang kanilang mga natutunan sa kani-kanilang mga sakahan, kung saan sila ay may mga produkto ng palay, mais, at gulay. Sa kaniyang mensahe, hinikayat ni OIC–Assistant Center Director at CDMS Chief, Jhimcelle V. Salvador ang mga farmer-leader na ibahagi ang kanilang kaalaman sa iba pang magsasaka sa kanilang mga barangay.

IMG_8283.JPG

Sa naging mensahe si Mr. Leonardo A. Bangad, Regional Manager ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), nagpasasalamat ito sa aktibong partisipasyon ng mga magsasaka at sinabi nito na bagama’t magkakaiba ang karanasan ng bawat isa sa pagsasaka, ang mga aral at kaalamang nagmumula mismo sa mga aktuwal na pagbubungkal ng lupa ay may malaking halaga. Ayon sa kanya, ang wastong paggamit ng mga pataba at pestisidyo ay mahalaga hindi lamang sa pangangalaga ng kapaligiran kundi pati na rin sa kaligtasan ng pamilya at kalidad ng pagkaing nalilikha. Hinikayat niya ang mga kalahok na isabuhay ang kanilang mga natutunan upang makapag-produce ng ligtas at masustansiyang pagkain.

IMG_8288.JPG

Binigyang-diin ni Ms. Elisa T. Ramos, isang magsasaka, ang kahalagahan ng tamang impormasyon sa paggamit ng pestisidyo. Ayon sa kanya, “Marami akong natutunan na pwede kong ibahagi sa mga kasamahan kong farmer, lalong-lalo na ang dapat nilang malaman ay basahin ang labels ng mga binibili nilang pesticides at kung paano ang dapat nilang gawin kung sila ay nagspray ng mga pesticides.”

IMG_8340.JPG

Ibinahagi naman ni Mr. Jhonivie Fernando ang kanyang karanasan sa pagsasanay, “Napakasaya ang training na ito dahil marami akong nalaman tungkol sa tamang paggamit, pagpili at kung paano ako makakatipid sa budget sa pagbili ng mga pamatay peste.”

IMG_8351.JPG

Samantala, sinabi ni Ms. Leilani R. Moralit na mas luminaw sa kanya ang tamang paggamit ng pestisidyo sa palayan. “Mas natuto at naliwanagan kung anong lason ang dapat gamitin sa bawat insekto sa palayan. Nalaman din kung paano tignan ang peke at legit. Maliwanag din na huwag basta-basta paghaluin ang iba’t-ibang lason para sa palayan.”

IMG_8335.JPG

Nakatuon ang pagsasanay sa mandato at regulasyon ng FPA, rehistrasyon ng mga pataba at pestisidyo, biorational pesticides, ligtas na paghahawak at aplikasyon, modes of action at pamamahala ng pesticide resistance, mga pamamaraang pangkaligtasan at emerhensiya, at Good Agricultural Practices (GAP) sa produksyon ng palay.

IMG_8275.JPG

article-seo
bad