Sun, 11/30/2025 - 19:19

Pinarangalan ang mga Bagong Organic Agriculture Champions kasama ang 13 kabataang kalahok ng Youth Internship Program on Organic Agriculture (YIPOA) Batch 3 ang tumanggap ng kanilang ₱150,000 start-up capital sa isinagawang Culmination Program of the National Organic Agriculture Month sa Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02, Malasin, San Mateo, Isabela, noong November 27, 2025.

IMG_9583.jpeg

Pinangunahan ng ATI-RTC 02, sa pamumuno ni Center Director Claris Marayag-Alaska, DPA, katuwang ang DA-RFO 02 na pinangungunahan ni Dir. Rose Mary G. Aquino, PhD, ang selebrasyon. Katuwang din sa programa sina Mr. George A. Caday, DA Regional OA Focal Person, mga Municipal Agriculture Office, Learning Sites for Agriculture, at mga kabataan ng rehiyon. Ang 13 interns, na matatapos ang siyam na buwang internship sa Disyembre 16, 2025, ay handa nang magtatag ng kani-kanilang OA-based agribusiness sa kanilang mga komunidad.

IMG_9553.JPG

“Mag-start pa lamang po ang implementation ko ng project sa ngayon. This project po is very helpful para ma-encourage pa ang mga kabataan kasi alam natin ang age ng ating mga farmers ay tumatanda na rin. This program po ay very helpful para dumami pa ang mag-engage sa farming especially sa organic agriculture. Salamat po sa ATI-RTC 02 at DA-RFO at sa mga farm-partners po na very helpful,” saad ni Mr. Leomer L. Leonillo, YIPOA Intern, Solano, Nueva Vizcaya.

IMG_9546.JPG

Dagdag naman ni Ms. Mercy A. Biala, Farmer-leader, mula sa bayan ng San Manuel, Isabela “Marami po ang pasasalamat ko sa ATI, bale eto na po yung masasabi kong second home. Dito na po ako nahubog at sa pag-adopt ng mga itinuro nila sa ATI, eto yung nagiging foundation ko. Bale and Site po naming ay  hindi pa Learning Site sa ngayun, bale integrated po siya, maliit lang po na area pero doon po namin binuo ng family ko ang natural farming. Sobrang nagpapasalamat po ako dahil samga trainings, doon po naitatak sa mindset namin na dapat nuon pa.”

Ibinahagi rin ni Ms. Jennilyn V. Pablo, OA Program Focal Person ng ATI-RTC 02, ang mga update tungkol sa YIPOA. Tampok din sa culminating activity ang parangal para sa “Galaw Mo, Ibida Mo: OA Dance Challenge 2025,” kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang OA-inspired dance moves gamit ang NOAP jingle na “Gusto Ko ay OA!”

IMG_9458.JPG

Champion sa Dance Challenge sina Gng. Mercy Biala, Catherine Legaspi, Allen Jake Ulant, Val Antonio, at Gilbert Ancheta ng bayan ng San Manuel, Isabela. Pumangalawa naman sina Hans Christian A. Gumarad at Jenica R. Baniaga ng Claveria, Cagayan at nasa pangatlong pwesto si Mr. Leomer L. Leonillo ng Solano, Nueva Vizcaya.

IMG_9637.JPG

Isa pang tampok sa pagdiriwang ang matagumpay na paglahok ng Isabela State University–Cauayan Campus sa Regional Kabataang OA Quiz Bee noong Oktubre 23, 2025 sa Robinsons Tuguegarao City. Pinangunahan ni Ms. Berlyn M. Galleta, sa gabay ni Dr. Cipriano M. Ticman Jr., nanaig ang ISU Cauayan laban sa 56 kalahok mula sa iba’t ibang SUCs sa rehiyon. Kinatawan din niya ang Rehiyon 02 sa 4th National Kabataang OA Quiz Bee noong Nobyembre 25, 2025 sa Grand Eastern Hotel, Quezon City,

IMG_5940 (1).jpg

Kaugnay nito, tumanggap rin ng premyo ang mga iba pang nagsipagwagi sa Regional Quiz Bee. Matatandaan na nasa pangalawang pwesto si Ms Lea Mae D. Ferrer ng ISU-Cauayan Campus, pangatlo si Ms. Mikaela R. Britos ng ISU-Cauayan Campus. Pang-apat naman si Mr. Ralph Allen J. Felipe ng ISU-Cabagan Campus, at nasa pang limang pwesto si Ms. Shesaree G. Sagario ng ISU-Cauayan Campus. Tumanggap ang mga nagwagi ng sertipiko, plaque, at cash prizes.

IMG_3757 (1).jpg

Bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng Organic Agriculture Month, nakibahagi ang mga iba’t ibang delegado mula sa Cagayan Valley at ATI-RTC 02 sa 18th National Organic Agriculture Congress na ginanap noong November 18–20, 2025 sa SMX Bacolod City, Negros Occidental.

IMG_5537 (1).jpg

Ang taunang pagdiriwang ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1030 (2015) na naglalayong itaguyod at palawakin ang suporta sa organikong pagsasaka sa bansa.

IMG_5977.jpg

Ang tatlong-araw na pagtitipon ay nagsilbing masiglang pagkikita ng mga pangunahing tagapagtaguyod ng organikong agrikultura sa bansa. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa DA Regional Field Offices, ATI Regional Training Centers, National Organic Agriculture Program (NOAP) at NOAP Board, mga PGS groups, Organic Certifying Bodies, partner agencies, at iba’t ibang LGUs—lahat ay nagtipon upang palakasin pa ang kilusang organikong agrikultura sa Pilipinas.

IMG_9439.JPG

Ang aktibidad ay may temang “Kabuhayang OA, Kinabukasang OK: Halina at Kumita sa Organikong Agrikultura,” na nagtatampok sa kahalagahan ng organikong agrikultura para sa isang matatag at masaganang kinabukasan sa Rehiyon 2.

IMG_9475.JPG

Patuloy na pinagtitibay ng pagdiriwang ng Organic Agriculture Month ang matatag na ugnayan ng DA-RFO 02, mga attached agencies, LGUs, SUCs, pribadong sektor, at iba pang stakeholder upang isulong ang napapanatiling organikong agrikultura at paghubog ng bagong henerasyon ng OA champions sa Rehiyon 2 at sa buong bansa.

article-seo
bad