Wed, 08/27/2025 - 18:44

Nagsagawa ang Agricultural Training Institute-Regional Training Center 2 (ATI-RTC 2) ng “Enhancing Technology Transfer Towards Commercialization: Bootcamp for Magsasaka Siyentista” sa ATI-RTC 2, Malasin, San Mateo, Isabela, noong Agosto 7-8, 2025.

IMG_5064.JPG

 

Layunin ng dalawang-araw na aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman, at kasanayan ang mga kalahok kaugnay sa product development at technology transfer upang maging katuwang sila ng mga FITS Centers sa kani-kanilang bayan. Umabot sa 30 Magsasaka Siyentista mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon ang lumahok sa  pagsasanay, na nagsilbing daan upang higit na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagiging agripreneur.

IMG_4938.JPG

Samantala, sa mensaheng ibinahagi ni Frediric Casilla ng FITS Center Quezon, Isabela, isa sa mga nagsanay, ipinahayag nito ang kagandahan ng pagsasanay na ito dahil sa nakatulong ito upang matutunan niya kung paano ibenta ang kaniyang mga produkto, “Mahalaga para sa akin bilang isang Magsasaka Siyentista ang pagsasanay na ito dahil natutulungan ako kung paano maipapakita at maibebenta sa merkado ang aking mga produkto. Natutunan ko rin kung paano pa ito maiaangat at mapapaunlad upang mas maging kaakit-akit sa aking mga mamimili.”

IMG_4974.JPG

Nagsilbing mentor-facilitator, at moderator sa pagsasanay si Dr. Jonathan N. Nayga, Professor VI ng College of Agriculture, Isabela State University – Echague Campus, at Direktor ng Cagayan Valley Small Ruminants Research Center. Siya rin ang Program Leader ng Regional Agri-Aqua Innovation System Enhancement Program sa Cagayan Valley (RAISE-CV).

IMG_4991.JPG

Ibinahagi ni Dr. Nayga ang kanyang malawak na kaalaman at karanasan sa larangan ng technology transfer at commercialization. Nagbigay siya ng mahahalagang konsepto at praktikal na pamamaraan upang matulungan ang mga kalahok mula sa pananaliksik hanggang sa kahandaan sa merkado. Kabilang dito ang paggabay sa paghahanda ng pre-commercialization reports na mahalaga upang maisulong ang mga teknolohiya tungo sa commercialization.

IMG_4919.JPG

Ipinakilala rin niya ang Agri-Aqua Technology Business Incubation (ATBI) Project na layong mapahusay ang mga produktong binuo ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paglalapat ng mga technology na nalikha ng unibersidad. Bukod dito, tinalakay niya ang paggamit ng Business Model Canvas (BMC) at Marketing Plan bilang mga pangunahing kasangkapan upang makabuo ng matatag na negosyo at higit na maunawaan ang proseso ng commercialization. Sa tulong nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na i-pitch ang kanilang mga produkto o enterprise gamit ang BMC bilang gabay.

IMG_4975.JPG

Samantala, sa kanyang mensahe, hinikayat ni OIC Center Director, Dr. Claris Marayag-Alaska, ang mga Magsasaka Siyentista na gawing daan ang itinuro sa kanila upang maibenta sa merkado ang kanilang mga produkto. Bilang isang organisadong grupo, pinaalalahanan din silang magsilbing tagapagtipon o consolidator ng kanilang mga produkto.

IMG_4894.JPG

article-seo
bad