Fri, 11/28/2025 - 11:10

Sinumulan na ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) ang Phase 1 ng pioneering batch ng Expanded Basic Agricultural Extension Course (EBAEC) sa ilalim ng Deployment and Advancement of Responsive Extension on Agriculture for Community Holistic Development (DA-REACH). Ang pagsasanay ay dinaluhan ng 30 na magiging agricultural extension workers na i-deploy sa iba’t ibang  bayan sa Region 2.

82333e57-35ae-44fb-951f-39541a19f705.jpg

Sa mensahe ni Dr. Claris M. Alaska, Center Director ng ATI-RTC 02, binanggit nito ang mahalagang papel ng mga kalahok bilang katuwang ng ahensya sa paghahatid ng extension support at makabagong teknolohiya sa mga lugar na kanilang pagde-deploy-an. Aniya, malaking ambag ito sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

b05e14f9-dc01-4c91-a0c4-4cd9c37f13a7.jpg

Ibinahagi naman ni Engr. Beverly S. Orpilla, Media Production Specialist II ng ATI-RTC 02, ang overview ng training. Tinalakay niya ang mga layunin at iskedyul ng bawat phase ng EBAEC sa Rehiyon 2. Binigyang-diin niya ang adhikain ng DA-REACH na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng agricultural extension services sa bansa, kabilang dito ang pagpapalakas ng food security sa pamamagitan ng pagtaas ng agri-fishery productivity, pagpapabuti ng lokal na food systems, at pagbuo ng climate-resilient communities sa tulong ng mas estratehikong deployment ng mga extension worker at lokal na interbensyon.

53515298-f0cb-4968-9843-914f63b1e2c8.jpg

Para sa Phase 1, tututukan ng mga kalahok ang mga paksang nakapaloob sa Basic Agricultural Extension Course, kasama ang pagpapakilala sa Policy, Planning, Monitoring, and Evaluation bilang pundasyon ng kanilang magiging tungkulin sa larangan ng extension work.

4b1c88a0-3c9e-414b-9496-83e4b206a18f.jpg

Layunin din ng programa na hubugin ang mga kalahok upang maging handa sa pagsusulong ng kritikal na pag-iisip, mahusay na problem-solving, at mabisang komunikasyon—mga kasanayang kinakailangan upang higit pang mapalakas at mabigyang-kapangyarihan ang mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon.

dd44bdae-8f6f-45b8-b5b0-2b5deb3f24f1.jpg

article-seo
bad