Wed, 02/04/2026 - 11:16

“Hindi lamang kaalaman ang ibinigay ng pagsasanay na ito, kundi kumpiyansa sa amin bilang mga magsasaka na gumamit ng abono at pestisidyo sa tama at ligtas na paraan, nang hindi na lubos na umaasa sa iba,” ito ang naging pahayag ni Michael B. Olea, ng Magapuy Farmers Multipurpose Cooperative na lumahok sa ikalawang batch ng Training on Fertilizer and Pesticide Handling and Management na isinagawa sa Bayombong, Nueva Vizcaya noong January 28-30, 2026.

IMG_8911.JPG

Isinagawa ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI–RTC 02) sa katuwang ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) at ng Local Government Unit ng Bayombong sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist, ang tatlong araw na pagsasanay na dinaluhan ng 30 members ng mga farm cluster ng nasabing bayan.

IMG_8780.JPG

Tinalakay sa pagsasanay ang pitong mahahalagang usapin na kinabibilangan ng mga mandato at regulasyon ng FPA, registration of fertilizers and pesticides, biorational pesticides, safe handling and application, modes of action and pesticide resistance management, safety and emergency procedures, and Good Agricultural Practices (GAP) in rice production. Kasama sa mga naging talakayan ang Memorandum Circular No. 2024-25 at ang papel ng biofertilizers sa pagsusulong ng sustainable agriculture.

IMG_8935 (1).JPG

Dagdag pa ni Olea na malaki ang naitulong ng pagsasanay sa kanyang desisyon at kaalaman bilang magsasaka, lalo na sa wastong paggamit ng pestisidyo nang hindi na palaging umaasa sa technician. Samantala, binigyang-diin ni Rosie C. Castillo ng Paitan Water Impounding Association, ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng kanilang mga natututunan.

IMG_9001.JPG

Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa para tiyakin ang ligtas na paggamit at pagtatapon ng mga abono at pestisidyo upang maprotektahan ang kalusugan ng tao at hayop at ang kapaligiran mula sa anumang mapaminsalang epekto nito. Sa pamamagitan ng pagsasanay, naipapasa ang tamang kaalaman at wastong pamamahala sa mga produkto na karaniwang ginagamit ng mga magsasaka, na nagtataguyod ng mas ligtas at responsableng pagsasaka.

IMG_8893.JPG

article-seo
bad