Thu, 04/23/2026 - 10:12

Dinala ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) ang makabagong kaalaman sa gulayan sa Barangay Salay, San Agustin, Isabela, sa isinagawang Technical Briefing on Vegetable Production noong April 14, 2026.

IMG_2264.JPG

Limampung magsasaka, kabataan, at miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) ang lumahok sa isang araw na technical briefing. Ito ay parte ng pangako ng ATI-RTC 02 bilang myembro ng 1st Company Advisory Group Police Transformation and Development (CAGPTD), na nagprepresenta sa National Government Agency.

Ito ay isinagawa katuwang ang Philippine National Police sa ilalim ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Program at ang lokal na pamahalaan ng San Agustin. Ang nasabing lugar ay kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

Isa sa mga prayoridad ng pamahalaan na madala ang mga serbisyo sa mga lugar na kabilang sa GIDAs. Kasama ang ATI na naglalayong maihatid ang serbisyong pang-agrikultura sa mga komunidad na may limitadong akses sa teknolohiya, merkado, at pagsasanay.

IMG_2169.JPG

Sa gitna ng patuloy na hamon sa sektor ng agrikultura, mula sa pabago-bagong klima hanggang sa tumataas na gastos sa produksyon, itinuturing ng mahalaga ang direktang pagsasanay sa mga komunidad. “Hindi sapat ang karanasan lamang, kailangan itong samahan ng updated na kaalaman at tamang teknolohiya,” diin ni Ms. Francisca C. Yuro, Media Specialist II ng ATI-RTC 02 sa kanyang naging mensahe. Nagbigay din ng Inspirational messages si PLT. Samuel G. Batara, Jr. team leader ng R-PSB ng PNP San Agustin, maging si Hon. Paul Jeremy Soni, Sangguniang Bayan sa bayang nabanggit na parehong nagsabi na mahalaga ang collaboration sa mga ahensiya ng gobyerno para palaganapin ang mga programa ng pamahalaan para sa mga magsasaka lalo na sa malalayong lugar.

IMG_2134.JPG

Tampok sa briefing ang kombinasyon ng lecture at hands-on demonstration. Ipinakita ni Training Specialist II Noemi Valdez ang wastong paggawa ng punlaan, mula sa paghahanda ng growing media hanggang sa tamang paglipat ng punla. Kasunod nito, tinalakay ni Mr. Regie M. Culang ang mga praktikal na teknolohiya sa vegetable production, kabilang ang angkop na pagpili ng pananim at pamamahala ng taniman.

IMG_2043.JPG

Samantala, para sa mga kalahok, hindi lamang ito dagdag kaalaman kundi pagwawasto rin ng ilang nakasanayang gawain sa bukid. “Akala namin sapat na ang aming kaalaman, pero marami pa pala kaming dapat matutunan… ngayon alam na namin kung paano magpunla, magtanim, at mag-alaga ng aming pananim,” ani ni Rowena Morales, magsasaka mula sa barangay.

Inilarawan naman ni Emilia Matias ang pagsasanay bilang isang mahalagang karanasan. “Hindi lang pala simpleng pagtatanim ang vegetable production. Isa itong sistematikong proseso na nangangailangan ng tamang kaalaman, disiplina, at pasensya.

IMG_2036.JPG

Ayon sa ATI, ang patuloy na pag-abot sa mga GIDAs community ay bahagi ng mas malawak na layunin na gawing mas inklusibo ang serbisyo sa agrikultura lalo na sa mga lugar na madalas nahuhuli sa access sa impormasyon at teknolohiya. Hinggil dito, kasama rin ang pagbibigay ng IEC materials sa mga kalahok na siyang makatutulong para sa karagdagang kaalaman upang mas mapayabong at mapaunlad pa ng mga ito ang kanilang sakahan.

Ang technical briefing ay bahagi rin ng pagdiriwang ng High Value Crops Week na may teamang “Future-Proofing High Value Crops Diversity: Gearing Towards Agro-Industrialization and the Bioeconomy”. Ang selebrasyon ay nakatuon sa pagpapalakas ng produksyon at pagpapalawak ng kaalaman sa high-value crops, mga pananim na may mataas na halaga sa merkado at may malaking ambag sa kita ng mga magsasaka.

 

article-seo
bad