Tue, 01/06/2026 - 16:31

“Kayong mga youth-intern ay ipinagkatiwala sa amin na mga farm-partners sa loob ng siyam na buwan. Hinubog namin kayo upang sa oras na mabigyan kayo ng puhunan, alam na ninyo ang gagawin ninyo. Nawa’y maging matagumpay ang inyong mga proyekto at sa susunod na pagkikita natin, hindi na bilang interns kundi bilang mga may-ari na rin ng sariling bukirin.” Ito ang mensaheng ibinahagi ni Mr. Keith F. Beltran, farm-partner at mentor mula sa Basileia Integrated Farm, Solana, Cagayan, sa ginanap na Culminating Activity ng Youth Internship Program on Organic Agriculture (YIPOA) Batch 3.

1f0f2f66-3377-48fc-9aae-b6bfd50046ac.jpg

Ang aktibidad ay matagumpay na isinagawa ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) katuwang ang DA Regional Field Office 02 bilang pagtatapos ng siyam (9) na buwang internship ng mga kabataan sa organic agriculture.

2f73cb98-6c80-4552-aefa-be147e8fa15a.jpg

Dumalo sa programa ang mga YIPOA interns, kanilang mga farm-partners at mentors, mga magulang, kinatawan ng Local Government Units (LGUs), at mga kawani ng ATI-RTC 02. Nakiisa rin si Mr. George A. Caday, Organic Agriculture Focal Person ng DA RFO 02, na patuloy na sumusuporta sa implementasyon ng programa.

6bb0efba-e53d-4a0a-bac4-828cf152a615.jpg

Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at aktibong partisipasyon, ginawaran ng Certificates of Completion ang mga intern at Certificates of Recognition ang mga farm-partner. Sa mensaheng ipinadala ni Regional Executive Director Rosemary Mary G. Aquino, na ibinahagi ni Mr. Caday, pinasalamatan niya ang lahat ng stakeholder at hinikayat ang patuloy na pagsusulong ng organic agriculture at pangangalaga sa kalikasan para sa mas maliwanag na kinabukasan.

8ca4804b-93dc-4eda-a896-5bf342cf2c45.jpg

Labintatlong (13) interns ang matagumpay na nagtapos sa YIPOA Batch 3 mula sa mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, at Cagayan, sa paggabay ng mga farm-partners mula sa iba’t ibang integrated at eco-farms sa Rehiyon 2.

b72a6116-e822-4a93-961a-ffe02d1ea7b0.jpg

Ibinahagi rin ng intern na si Mr. Christian B. Doratan mula Angadanan, Isabela ang kanyang pasasalamat sa ATI, DA RFO 02, at sa kanilang farm-partners sa walang sawang paggabay, pagmamahal, at pagturing sa kanila bilang pamilya sa buong panahon ng internship. Ang Culminating Activity ng YIPOA Batch 3 ay isinagawa noong December 16, 2025.

40a50b37-5bb3-4ebd-8702-354d09e6aa69.jpg

article-seo
bad