Tue, 10/14/2025 - 11:47

“Natutunan ko ang tamang paraan ng pagkukuwenta ng kita at gastusin. Hindi lang ito basta pagre-record, kundi masusing pagsubaybay ng mga input at output sa isang negosyo.” Ito ang pagbabahagi ni Gng. Catherine F. Dela Cruz, ng Tumauini Upland Farmers and Greeners Association Inc., ng Tumauini, Isabela. Si Dela Cruz ay isa sa mga kalahok sa 10-day Training on Farm Business School for Livestock-based Enterprises, na dinaluhan ng 30 benepisyaryo ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) at Swine Industry Recovery Project (SIRP) sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela noong September 8-19, 2025.

4dbc7728-26b9-4cc9-9947-59ad0e2603bc.jpg

Bukod sa mga talakayan, isinagawa rin ang mga benchmarking activities na nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok upang tuklasin ang mga bagong oportunidad sa pamilihan at pag-iba-ibahin ang kanilang kabuhayan sa agrikultura. Ang ganitong aktibong paglahok ay nagpatatag sa kanilang kumpiyansa at kasanayan bilang mga bagong negosyante sa larangan ng agrikultura.

aa0da601-024a-48e5-8f84-d37aaf44be92.jpg

“Through my participation in the Farm Business School (FBS), I have gained a deeper understanding of how to manage a farm efficiently. Natutunan ko ang iba’t ibang skills tulad ng business planning at record-keeping. Nalaman ko rin ang market analysis, value addition strategies, at ang kahalagahan ng sustainable practices sa livestock farming,” pagbabahagi ni Ms. Alpha Joy N. Laranang ng NDC 8 Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative mula sa San Manuel, Isabela.

05ae19b5-fde2-42ba-b77e-5014d9be66ea.jpg

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Ms. Glende Lyn Simplina ng Diffun Saranay and Development Cooperative (DISADECO) sa Quirino sa pagkakataong makadalo sa pagsasanay. “In behalf of DISADECO, I would like to thank you for inviting us to attend this training. Nadagdagan na naman po ang knowledge namin. Sa training management team, thank you po sa pag-intindi sa amin na mga participants at pag-consider ng aming mga request. Sa aking mga co-participants, thank you dahil kahit hindi tayo magkaka-edad ay maganda ang samahan natin. Sa food, sa tingin ko po nasira ang mga diet namin dahil napakasarap ng pagkain. Sa accommodation, thank you dahil napaka-conducive nito. Muli, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.”

7c4bdb43-a044-43c4-bd27-998dda5141f0.jpg

Ang mga benepisyaryo ng INSPIRE at SIRP ay inaasahang magsisilbing multipliers ng Farm Business School concepts, upang maibahagi sa iba pang magsasaka ang mga natutunang kaalaman at kasanayan tungo sa mas episyente, makabago, at matatag na pamamahalang agrikultural.

02690824-20d2-47bb-9917-de98c138bb69.jpg

Sa kabuuan, ang 10-Day Farm Business School Training ay nagsilbing makabuluhang plataporma para sa pagpapatibay ng kakayahan, kamalayan, at pagkakaisa ng mga benepisyaryo tungo sa isang mas progresibong industriya ng agrikultura sa Rehiyon 2.

723fc7cf-f12c-49db-b7b3-7190a0ca8afd.jpg

Ang pagsasanay ay naglalayong mapalakas ang kakayahan ng mga benepisyaryo sa larangan ng entrepreneurship at pangunahing pamamahala ng farm enterprise. Sa loob ng sampung araw, hinasa ang mga kalahok sa paggawa ng farm business plans, maayos na record-keeping, at pag-unawa sa daloy ng produkto at kita sa isang enterprise.

358da599-df5a-4bac-9b8c-31490b7db6ed.jpg

article-seo
bad