Pinagtibay ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) ang kakayahan ng mga agricultural extension workers (AEWs) at farmer-leader sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dalawang batch ng Training on Fundamentals of Policy, Planning, Monitoring and Evaluation (PPME) na ginanap sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela, noong May 12–15, 2026 para sa unang batch, at May 19–22, 2026 sa huling batch.
Sa unang batch, lumahok ang 25 AEWs na nagsisilbing Rural-Based Organizations (RBO) Coordinators at Alternate Coordinators mula sa iba't-ibang lokal na pamahalaan sa rehiyon. Samantala, sa ikalawang batch ay dumalo ang 25 AEWs at isang farmer-leader na nagpahayag ng interes na makibahagi dahil sa kahalagahan ng pagsasanay sa kanyang kasalukuyang tungkulin sa kanilang kooperatiba.
Samantala, ang ikalawang batch ay dinaluhan ng mga AEW na nagtapos ng Basic Agricultural Extension Course (BAEC) upang higit na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga prinsipyo, konsepto, terminolohiya, pamamaraan, at mga kasangkapan sa Policy, Planning, Monitoring and Evaluation para sa Agriculture and Fishery Extension (AFE).
Binigyang diin naman ni Dr. Claric Marayag-Alaska, Center Director ng ATI-RTC 02 na mahalaga ang gagampanang role ng mga extension worker para mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga farmer. “We, as extension workers, need to empower our farmers through different extension modalities. Sana handa kayo sa lahat ng ipapagawa sa inyo lalo na ang pag-gather ng data upang magiging fruitful ang ating oras. Palagi naming sinasabi na ang mga polisiya na ginagawa natin it must be responsive to the needs of our farmers and fishers. It should be data-driven, at need-based,” saad ni Dr. Alaska.
Sa unang batch, tinalakay ni Ms. Joan May Z. Bareno, Training Specialist II, ang mga pangunahing konsepto at terminolohiya ng PPME, kabilang ang proseso ng paggawa ng polisiya, program at project development cycle, at ang kahalagahan ng monitoring and evaluation. Samantala, sa ikalawang batch, pinalawak naman ni Engr. Beverly S. Orpilla, Media Production Specialist II at Project Officer, ang diskusyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwang monitoring and evaluation methodologies at frameworks.
Sa pagbubukas ng pagsasanay, tinalakay ni Ms. Francisca C. Yuro, Media Production Specialist II, ang kalagayan ng Agriculture and Fisheries Extension (AFE), kabilang ang kahalagahan nito sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan, gayundin ang mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng extension services.
Tinalakay naman nina Mr. Aldrin E. Abarca, Information Officer II, at Engr. Johnson S. Lameg, Agriculturist II, sa magkahiwalay na batch ang iba't ibang PPME tools at methodologies gaya ng policy instruments, problem tree, objective tree, decision matrix, at stakeholder mapping. Binigyang-diin din nila ang mahalagang papel ng mga stakeholder sa policy formulation, planning process, monitoring, at evaluation.
Bilang bahagi ng experiential learning approach ng pagsasanay, nagsagawa ng mga workshop kung saan binuo ng mga kalahok ang kanilang mga concept notes batay sa mga natutunang kasangkapan at metodolohiya.
Sa unang batch, nahati ang mga kalahok sa limang grupo na nakatuon sa 4-H Club at Rural Improvement Club (RIC). Dalawang grupo ang nakatuon sa 4-H Club, dalawang grupo sa RIC, at isang grupo ang tumalakay sa parehong organisasyon. Sa ikalawang batch naman, nahati ang mga kalahok sa apat na grupo na nakatuon sa rice, corn, high-value crops, at livestock sectors.
Mula sa pagtukoy ng mga suliranin, pagbuo ng problem tree at objective tree, paggamit ng decision matrix, pagsusuri ng policy instruments, hanggang sa stakeholder analysis at mapping, matagumpay na nakabuo ang bawat grupo ng kani-kanilang concept notes para sa mga posibleng intervention sa agriculture and fishery extension.
Bago ang pinal na presentasyon ng mga output, sumailalim ang mga ito sa masusing pagsusuri ng mga opisyal ng ATI-RTC 02. Sa unang batch, pinangunahan nina Dr. Claris Marayag-Alaska, Center Director, at Ms. Mayflor R. Macmac, Planning Officer II, ang pagrepaso sa mga problem tree at concept notes ng mga kalahok. Sa ikalawang batch naman, nagbigay ng mga rekomendasyon si Mr. Jhimcelle V. Salvador, Chief ng Career Development and Management Section (CDMS) at Training Specialist III, upang higit na mapabuti ang mga output ng bawat grupo. Nagsilbi namang panelists sa presentasyon ng mga concept notes sa ikalawang batch sina Mr. Vladimir B. Caliguiran, OIC-Assistant Center Director at Chief ng Information Services Section, Ms. Francisca C. Yuro, at iba pang resource persons.
Ayon sa mga kalahok, naiiba ang pagsasanay sa karaniwang technology trainings dahil sa mas malalim, sistematiko, at praktikal nitong pamamaraan ng pagkatuto. Ibinahagi ni Ernesto Guzman Jr., AEW mula sa LGU Divilacan, Isabela, na higit niyang naunawaan ang ugnayan ng planning, project management, monitoring, at evaluation sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa. ”My learning in PPME is that, planning project management, monitoring and evaluation are closely connected, and essential for achieving successful development programs. And I learned that good planning helps set clearer goals and identify the step needed to reach them,” saad ni Guzman.
Samantala, sinabi naman ni Rhea Duldulao ng LGU Baggao, Cagayan, na malaking tulong ang pagsasanay lalo na sa mga baguhan sa extension work. “As a newbie po, this training is really helpful for us, I know na ang pag-implement ng project ay kailangan ng policy, but as a newbie, wala talaga akong idea sa ganito, ang alam ko lang ay kapag may nakikitang problem, gawan lang ng policy para maging maayos pero hindi pala ganon kadali. So, this training talaga, helped me na maintindihan yung bawat step, na kailangan pa ng problem tree, tapos need pa i-determine ang problem papunta sa sanga. Tapos sa goal natin, sometimes talaga nakikita natin yung goal pero hindi natin alam kung paano gawin. Na-widen po or na-expand yung knowledge ko because of this training,” dagdag ni Duldulao.
Patuloy naman na pinapalakas ng ATI-RTC 02 ang kakayahan ng mga agricultural extension workers upang makapagplano at makapagpatupad ng mga programang nakabatay sa datos, pangangailangan ng sektor, at pangmatagalang kaunlaran ng mga komunidad sa kanayunan.