Wed, 10/08/2025 - 19:20

Isang matagumpay na pagtatapos ng 37 na magsasaka sa Farmers Field School (FFS) on Good Agricultural Practices (GAP) for Vegetable Production ngayong araw, sa Barangay Jose Ancheta, Maddela, Quirino.

IMG20251008111250.jpg

Ang pagsasanay ay naglalayong paigtingin ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa ligtas, de-kalidad, at sustenableng produksyon ng gulay bilang bahagi ng pagpapaunlad ng agrikultura sa rehiyon. Dinaluhan ang aktibidad ng mga magsasaka at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya, kabilang ang Agricultural Training Institute–Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) at ang Local Government Unit (LGU) of Maddela, Quirino.          

IMG20251008112438.jpg

Tampok sa pagsasanay ang field day kung saan ipinakita ang iba’t ibang uri ng tanim tulad ng sili, talong, ampalaya, kalabasa, at kamatis. Sa pamamagitan ng Participatory Technology Demonstration, naipakita ng mga kalahok ang kanilang natutunan sa paggamit ng mga teknolohiyang tumutugon sa prinsipyo ng Good Agricultural Practices.

IMG20251008114145.jpg

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Municipal Agriculturist Jovencio G. Salvador ang mga magsasaka na ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga programa ng Department of Agriculture (DA) at ng LGU Maddela. Ibinahagi rin niya ang kanyang personal na karanasan bilang dating trainee ng ATI, at pinasalamatan ang institusyon sa pagdadala ng ganitong uri ng pagsasanay sa kanilang bayan. “Nawa’y maibahagi ninyo sa iba ang inyong mga natutunan upang matuto rin sila kung paano mag-produce ng ligtas na produkto para sa ating bayan.”

IMG20251008083118.jpg

Samantala, sa kanyang response message, binati ni Mr. Jhimcelle V. Salvador, chief, Career Development and Management Section (CDMS) ng ATI-RTC 02, ang mga kalahok sa matagumpay na pagpapatupad ng Participatory Technology Demonstration. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga GAP-based practices sa kani-kanilang mga sakahan at ipinahayag ang kahandaan ng ATI na tumulong sa mga magsasaka ng barangay Jose Ancheta para sa kanilang GAP certification. “Sana ay huwag nating kakalimutan that it is our responsibility to produce safe and quality vegetables for our family and our community,” aniya.

IMG20251008112325_BURST000_COVER.jpg

Nagbigay rin ng messages of support sina Sanguniang Bayan Member Alberto S. Cadavas, Jr., Chairman ng Committee on Budget and Finance, at SB. Jamina Anne O. Tolentino, Chairman ng Committee on Agriculture. Ayon kay Hon. Cadavas, Masuwerte ang Barangay Jose Ancheta sa pagkakaroon ng GAP training. “Huwag tayong panghinaan ng loob kahit minsan ay walang kita sa gulay, dahil ang pagtatanim ay isang uri ng negosyo.” Hinikayat din niya ang mga magsasaka na palakasin ang kanilang asosasyon upang makamit ang pagiging Outstanding Association sa hinaharap.

IMG20251008120004.jpg

Samantala, sinabi ni SB. Tolentino na natutunan na nila ang mga kaalaman sa paggugulay tulad ng paggawa ng fermented fruit juice (FFJ), fermented plant juice (FPJ), at Vermi Tea na maaari ring gamitin bilang bahagi ng kanilang agri-business. Umaasa siya na ito ang magiging simula ng patuloy na pagsasabuhay ng mga aral para sa food security ng kanilang komunidad. Dagdag pa niya, hinahangad niya ang pagtatatag ng Maddela Agricultural Trading Post upang maipakita at maibenta ang mga produktong may GAP certification ng mga magsasaka.

IMG20251008120148_01.jpg

Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat si Mr. Salvador M. Bulda, OIC-chief ng Quirino Experiment Station (QES), sa lahat ng kalahok at katuwang na ahensiya sa matagumpay na pagsasagawa ng pagsasanay. Ipinunto niya ang kahalagahan ng food safety at binigyang-diin na “Ang pinakamabisang gamot ay ang pagkaing ating kinakain.” Hinihikayat niya ang mga magsasaka na bawasan ang paggamit ng pesticide at magpatuloy sa proseso ng GAP Certification. Bilang inspirasyon, ibinahagi niya ang tagumpay ng mga magsasaka ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya, na ngayo’y nagsusuplay na sa mga malalaking institutional buyers. “Nawa’y dumating ang panahon na malampasan ng Quirino ang Nueva Vizcaya sa produksyon ng high-value crops. Ipagpatuloy ninyo ang GAP hindi lamang para sa masustansyang pagkain ng pamilya, kundi para sa buong sambayanang Pilipino,” dagdag ni Bulda.

IMG_20251008_164719.jpg

Matapos ang mga mensahe, isinagawa ang Awarding of Certificates and Special Awards sa pangunguna ni Ms. Cherry Mae G. Sarandi at ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang partner agencies.

IMG20251008104904.jpg

Ang matagumpay na FFS na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ATI na paunlarin ang kakayahan ng mga magsasaka, itaguyod ang food safety, at isulong ang sustenableng agrikultura sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan sa mga LGU at lokal na komunidad.

IMG20251008095815.jpg

article-seo
bad