Mon, 05/11/2026 - 16:38

Ipinamalas ang mga makabagong package of technologies (POT) para sa munggo sa ginanap na Mungbean Mega Field Day sa Brgy. Culing East, Cabatuan, Isabela noong Mayo 8, 2026, na dinaluhan ng higit isang libong magsasaka, agricultural extension workers, at kinatawan ng pribadong sektor. Layunin ng aktibidad na maipakilala ang mga teknolohiyang makatutulong sa pagpapataas ng lokal na produksyon ng munggo at pagpapalakas ng industriya nito sa bansa.

Ibinida sa pamamagitan ng technology demonstration ng Department of Agriculture Regional Filed Office 02 ang mga teknolohiya gaya ng Agri-N Plus, Carrageenan, at combine harvester na naglalayong mapataas ang lokal na produksyon ng munggo sa bansa.

2cb37b99-4ccc-4cbe-9ab7-c566ef915932.jpg

Binigyang diin ni DA Undersecretary for High Value Crops Development Program, USec. Cheryl Marie Natividad-Caballero, ang mahalagang papel ng Region 02 sa produksyon ng munggo lalong-lalo na sa mga butong pananim.

Sa kasalukuyan, mayroon 15,685 hectares ng lupain ang natatamnan ng munggo sa rehiyon. Noong 2025, nagtala ang Region 02 ng 257% regional sufficiency sa munggo na may 9.9% kontribusyon sa pambanasang produksyon.

Target naman ng DA na madagdagan pa ng 5,500 hectares pagsapit ng 2027 ang lawak ng matatamnan ng munggo.

6dd1c7ef-567f-46dc-8ec6-8e0574d6a73f.jpg

Nakiisa ang Agricultural Training Institute-Regional Training Center 02 sa naturang inisyatiba. Dumalo sina Vladimir B. Caliguiran, OIC assistant center director at chief ng Information Services Section, at Noemi O. Valdez, focal person ng High Value Crops Development Program.

Sa kasalukuyan, ang ATI-RTC 02 katuwang ang DA-RFO 02, at BPI NSQCS ay nagsasagawa ng mga pagsasanay para sa mga mungbean seed growers.

2cd64579-2514-4be8-84b9-5b75047d9046.jpg

article-seo
bad