Mon, 10/06/2025 - 13:00

Nagsagawa ng joint Flag Raising Ceremony ang Agricultural Training Institute - Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02), kasama sa ang Bureau of Plant Industry - National Seed Quality Control Services Division (BPI-NSQCS) at Philippine Rice Research Institute (PhilRice) – Isabela, ngayong Oktubre 6, 2025, sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela, bilang opisyal na paglulunsad ng National Agriculture and Fisheries Extension Services (NAFES) Month.

IMG_0539.JPG

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa bilang tugon sa Proclamation No. 753, s. 2024, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nagdedeklara sa buwan ng Oktubre bilang NAFES Month. Layunin ng pagdiriwang na bigyang-diin ang mahalagang papel ng extension services sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda tungo sa mas maayos na kabuhayan.

IMG_0502.JPG

Sa temang “One Goal, One Extension: Advancing Agriculture and Fisheries for a Food-Secure Nation,” kinikilala sa selebrasyong ito ang mga extension workers bilang tahimik na bayani ng agrikultura at pangisdaan. Sila ang nagsisilbing tulay ng kaalaman at teknolohiya mula sa agham patungo sa aktwal na praktis sa komunidad.

IMG_0551.JPG

Sa pamamagitan ng temang ito, inaasahan ang mas pinatibay na koordinasyon ng mga ahensya para sa iisang layunin — ang mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangisdaan para sa isang food-secure nation.

IMG_0944.JPG

Sa unang bahagi ng programa, pinangunahan ni Ms. Kathlyn V. Oliviaga (TSS II) ang Exhortation, sinundan ng panalangin ni Ms. Francisca C. Yuro (MPS II), at ang pag-awit ng Lupang Hinirang at Bagong Pilipinas Hymn ng ATImeK Choir. Pinangunahan naman ni Ms. Jean Randinne Y. Aquino (TSS I) ang Panata sa Watawat ng Pilipinas at Lingkod Bayan, habang si Ms. Joan May Z. Bareno (DMO I) ang nanguna sa Panata sa Bagong Pilipinas.

IMG_0561.JPG

Samantala, binigyang-pugay ni Dr. Claris Marayag-Alaska, OIC-Center Director ng ATI-RTC 02, ang mga extension workers at ipinahayag nito ang patuloy na pagtutok ng ahensiya sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa mga magsasaka. Inilahad rin niya ang mga aktibidad na nakatakda ngayong buwan bilang bahagi ng pagdiriwang ng NAFES Month.

IMG_0576.JPG

Nagbahagi rin ng mensahe sina Dir. Joy Bartolome A. Duldulao, Branch Director ng PhilRice Isabela, at Dr. Julito T. Claveron, Jr., Chief ng BPI-NSQCS – Isabela. Kapwa nila binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng tatlong ahensya sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga magsasaka.

IMG_0589.JPG

Matapos ang mga mensahe ay isinagawa ang opisyal na Unveiling of the NAFES Month Banner.

IMG_1082.JPG

Sa ilalim ng Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997 (RA 8435) kinikilala ang extension services bilang mahalagang sangkap sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan. Saklaw nito ang pagsasanay, pagbibigay-impormasyon, at pagpapalakas ng teknikal, pangnegosyo, at panlipunang kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda.

IMG_1007.JPG

article-seo
bad