Fri, 09/05/2025 - 11:33

Matagumpay ang ikalawang batch ng Training on Pesticide Handling, Management, and Updates on Commonly Used Pesticides in the Market na nilahukan ng 30 cluster leaders mula sa National Irrigators Administration - Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) Division I, III, at IV, sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela noong Agosto 26–28, 2025.

IMG_9018.JPG

Layunin ng tatlong araw na pagsasanay na palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mga farmer-leader sa wastong paggamit at pamamahala ng pestisidyo.  Ito ay kaakibat sa adhikain ng sustainable agriculture, food safety, at proteksyon sa kalusugan ng mga magsasaka.

IMG_8917.JPG

Samantala, ibinahagi rin ni Gerald P. Romua, cluster leader ng DRD CIA/Division I, ang kanyang karanasan sa pagsasanay, “Noong una ay nagdadalawang-isip ako, pero napakaganda pala ng training na ito. Akala ko ay kaunti lang ang aking matututunan, pero napakarami pala. Lahat kami ay naging attentive, at sana ay maibahagi natin ang mga natutunan sa kapwa magsasaka—lalo na tungkol sa tamang pag-isprey, pagkilala sa pekeng pestisidyo, at mga regulasyon ng FPA.”

IMG_8980.JPG

Ayon kay Alex C. Lomboy, Cluster Leader ng Dam Reservoir Division CIA Division I, “Nadagdagan pa lalo ang aming kaalaman bilang mga magsasaka upang mas lalo pang mapabuti ang dati na naming nalalaman, dito nalaman namin na meron pa palang mas maganda.

IMG_9009.JPG

Dagdag naman ni Edwin T. Masirag, Farmer-Leader ng D2B CIA/Division I, “Dapat alamin ang mga pesticide na gagamitin bago mag-apply at pasyalan muna ang palay kung may sakit bago bumili ng pesticide.”

IMG_9013.JPG

Ang matagumpay na pagsasanay ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng mga ahensya sa sektor ng agrikultura upang tiyakin ang kaligtasan at kaalaman ng ating mga magsasaka tungo sa mas ligtas at produktibong pagsasaka.

Ang pagsasanay ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - Region 02 sa pamumuno ni Mr. Leo Bangad, Regional Manager, at ng NIA-MARIIS sa pangunguna ni department manager Engr. Gilue Michael O. Dimoloy.

IMG_8880.JPG

article-seo
bad