Tue, 08/26/2025 - 16:55

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng organikong agrikultura sa Rehiyon 2, isinagawa ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02), katuwang ang DA–Regional Field Office 02 (DA-RFO 02), ang Training on Postharvest Technologies, Processing, and Labeling for Organic Products  sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela, noong Agosto 11–15, 2025.

IMG_8403.JPG

Dumalo sa aktibidad ang 31 Agricultural Extension Workers (AEWs) at mga farmer-leaders mula sa iba’t ibang Participatory Guarantee System (PGS) groups sa rehiyon. Layunin ng nasabing pagsasanay na palakasin ang kanilang kakayahan sa value-adding, food safety, at pagsunod sa mga pamantayan sa labeling at packaging upang tangkilin pa lalo ng mga mamimili ang mga organic products.

IMG_8367.JPG

Inihayag naman ni Realyn Battan ang kahalahagan ng value adding na kanyang natutunan sa nasabing pagsasanay. “Malaking tulong sa amin ang value-adding, lalo na’t marami kaming gulay na inaani sa aming bayan. Sa pagpapatupad ng tamang pagpoproseso, maiiwasan ang pagkabulok at pag-aaksaya ng mga sobrang gulay,” saad ni Baatan, AEW mula LGU-Kayapa, Nueva Vizcaya.

IMG_8286.JPG

“Sa training na ito, natutunan ko ang paggawa ng bread and pastry, tulad ng pandesal. Lubos akong nagpapasalamat dahil nagkaroon ako ng bagong pamilya dito—kayo na nagsasanay at nagsusulong ng organic practices. Napaka-participatory at cooperative ng lahat, at tunay na nakikita ang teamwork at team building sa bawat gawain,” Dagdag naman ni Mr. Cenon M. Aquino, Farmer-leader/PGS Member ng Santa Maria, Isabela PGS Inc.

IMG_7879 (1).JPG

Sa limang araw na pagsasanay, tinalakay ni Mr. Jerome B. Angel ang mga postharvest technologies para sa organikong produkto, samantalang ibinahagi ni Ms. Jennilyn V. Pablo ng ATI-RTC 02 ang mga pamantayan sa packaging at labeling. Itinuro at ipinakita naman ni Ms. Leona S. Cayapan ng TESDA-ISAT ang Food Safety at Current Good Manufacturing Practices (cGMP), pati na ang pagproseso ng mga produktong gulay, bigas, at honey, gayundin ang costing at pricing para sa market readiness. Nagbahagi rin si Ms. Annaliza S. Laggui, pangulo ng Santa Maria, Isabela PGS Inc., at chairperson ng Madaddala Farmers Marketing Cooperative, tungkol sa sugarcane-based processing.

IMG_7532 (1).JPG

Bilang bahagi ng pagsasanay, nagsagawa rin ng mga ito ng hands-on activity sa Sugarcane Processing Area ng Madaddala Farmers Marketing Cooperative sa Sta. Maria, Isabela, kung saan natuto ang mga kalahok mula sa mga pinakamahusay na gawain sa pagproseso ng tubo. Nagsagawa rin ng benchmarking sa acidity sa DA-Cagayan Valley Reasearch Center (CVRC) - Food Product Research and Development Center upang tiyakin ang kalidad at kaligtasan ng mga organic product.

IMG_7431 (1).JPG

Ang programa ay nakaangkla sa Republic Act 11511 na nag-aamyenda sa Organic Agriculture Act of 2010. Sa pamamagitan nito, higit na napalalakas ang suporta sa mga organikong magsasaka sa pamamagitan ng institusyonalisasyon ng PGS, pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapalawak ng access ng mga ito sa pamilihan. Sa pagtaas ng kaalaman at kasanayan ng mga organic practitioner, inaasahang aangat ang kalidad ng produkto, lalakas ang market competitiveness, at higit na mapagtitibay ang tiwala ng mamimili sa organic certification.

IMG_7356 (1).JPG

article-seo
bad