Wed, 09/03/2025 - 11:14

Bilang bahagi ng patuloy na promosyon ng teknolohiya sa produksyon at pagproseso ng niyog, at sa pagdiriwang ng Coconut Month, nagsagawa ng isang Techno Forum ang Agricultural Training Institute - Regional Training Center 02 sa Pamplona, Cagayan noong Agosto 19, 2025.

IMG_6276.JPG

Ang techno-forum ay isang estratehiya upang ipakita ang mga makabagong teknolohiya, pinakamahusay na kasanayan, at mga produktong binuo ng mga magsasaka ng niyog, mga asosasyon, kooperatiba, at ang Cagayan State University – Sanchez Mira Campus na naglalayong maiangat ang industriya ng niyog sa rehiyon.

IMG_6024.JPG

Nagbigay naman ng updates ang mga CFIDP implementing agencies katulad na lamang ng Department of Agriculture-Regional Field Office 02 (HVCDP DA-AMAD), Philippine Coconut Authority (PCA), Cooperative Development Authority (CDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Ibinahagi ng mga ahensiyang ito ang mga programa at serbisyong maaaring magamit ng mga magsasaka, pati na rin ang mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa pagtatanim ng niyog.

IMG_5399.JPG

Sa hapon, isinagawa ang isang open forum at mga testimonya mula sa mga magsasaka ng niyog tungkol sa kanilang mga kasanayan sa pagsasaka. Kasama sa mga aktibidad ang Coconut Handicraft Making, Coconut Cook-off, The Biggest Nut Challenge, at The Bountiful Bunch of Coconut.

IMG_5408.JPG

Ang forum ay may temang Cocobuhayan Masagana, Matatag, at Progresibong Industriya ng Niyog sa Rehiyon Dos. Ito ay dinaluhan ng 103 na magsasaka ng niyog, miyembro ng mga asosasyon at kooperatiba, pati na rin ang iba pang mga stakeholder.

IMG_5257.JPG

Ang aktibong partisipasyon ng mga partner agencies ay tinitiyak na magkakaroon ng malawak na suporta ang mga magsasaka para sa kanilang mga pangangailangan.

IMG_6140.JPG

article-seo
bad