Tue, 12/09/2025 - 16:26

2af99664-60e0-4a45-9494-c02b2a484d2b.jpg

Pormal na nilagdaan ng apat na coconut young farmer-interns at dalawang Learning Sites for Agriculture (LSA) farm partners ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa unang batch ng Youth Internship Program for Children of Coconut Farmers (YIPCCF) noong December 2, 2025 sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela.

Layunin ng programa na mahikayat ang kabataan na magpahalaga at mag-adopt ng mga teknolohiya sa coconut production, gayundin ang pagsisimula o pagpapalakas ng kanilang coconut agri-enterprise. Kabilang din sa programang ito ang pagbibigay ng leadership at value formation training at paghubog sa kanilang kaalaman sa mga oportunidad sa agri-ekonomiya ng coconut industry.

385ab0c5-b325-4c88-ae39-46d3663bc416.jpg

Sa pagbubukas ng programa, pinangunahan ni Engr. Beverly S. Orpilla, Media Production Specialist II, ang pagpapakilala sa mga panauhin, farm partners, interns at mga kawani ng ATI. Samantala, sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni ATI-RTC 02 Center Director, Dr. Claris Marayag-Alaska, na ang internship ay hindi isang hamon kundi isang pagkakataon. “This internship is not a challenge for everyone, especially to our interns, but it is an opportunity and your stepping stone towards success of your future and career. Learn from the story, experiences and practices of our farm partners, kung paano sila mas naging mayaman at naging successful na learning sites ng ATI. And soon, you will be our partners in promoting and advocating modern technologies in farming.”ani Dr. Alaska.

a08870ae-e8ce-4f74-985b-ea0375f0c4b5.jpg

Ibinahagi naman ni Engr. Fhrea G. Domingo, Agriculturist II, ang overview ng programa kabilang ang mga tungkulin ng interns, farm partners, Local Government Units, at ATI-RTC 02. Ibinahagi rin niya ang mga lugar kung saan ma-i-de-deploy ang mga kalahok.

379c130b-4af0-478b-ad7e-4c831156d814.jpg

Ang mga interns na sina Jonathan Apillido at Mark John Galicia mula sa Angadanan, Isabela ay mananatili sa Rancho Ramiro Farm ni Mr. Jeffrey R. Ramiro sa Brgy. Magacan, Sanchez Mira, Cagayan. Samantala, sina Rico John Nanali at Marlon Moralla mula sa Lal-lo, Cagayan ay ma-i-de-deploy sa Invierno Lucky Integrated Farm ni Mr. Erwin T. Invierno sa Brgy. Cullit, Lal-lo, Cagayan. Ayon kay Engr. Domingo, mananatili ang mga interns sa kanilang host farms sa loob ng siyam na buwan bago isunod ang 12-buwang implementasyon ng kanilang Business Enterprise Plan (BEP).

e28b6948-38b0-4ca2-b751-0c08edcf529d.jpg

Matapos ang MOA signing, tumanggap ang bawat intern ng deployment kit na naglalaman ng paddy boots, long sleeves, bush hat, backpack at record book upang magamit nila sa kanilang pagsasanay sa farm.

article-seo
bad