Tue, 05/19/2026 - 09:22

abe5d7e5-a31f-4627-894e-6111af0a793f.jpg

Matagumpay na isinagawa ng DA-RFO 02 kasama ang Agricultural Training Institute - Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02), ang dalawang araw na pre-inspection para sa Good Agricultural Practices (GAP) Certification noong Mayo 14–15, 2026 sa Brgy. Matalao, Sto. Niño, Cagayan.

Kabuuang 30 magsasaka ang sumailalim sa pre-inspection sa loob ng dalawang araw. Ang mga magsasaka ay ang mga nagtapos sa Farmers Field School (FFS) on GAP for Vegetable Production na isinagawa ng ATI-RTC 02 at LGU-Sto. Niño mula Hulyo hanggang Oktubre 2025. Ang pagsasanay ay bahagi ng re-entry plan ng isang Agricultural Extension Worker (AEW) na dumalo sa Training of Trainers (TOT) on GAP for Vegetable Production.

Kinatawan nina Ms. Noemi O. Valdez, Training Specialist II, at Mr. Christian Mark V. Andres ang ATI-RTC 02 sa isinagawang aktibidad. Pinangunahan naman nina Mr. Raymark Calderon, Agriculturist II, at Engr. Jun-Bee Pichay ng GAP Team ng DA-RFO 02 ang pagsusuri, sa tulong ng LGU-Sto. Niño at BLGU-Matalao.

7115a8e4-673e-473b-af98-7821b2445f4a (1).jpg

Layunin ng pre-inspection na suriin at tiyakin ang kahandaan ng mga aplikante para sa GAP certification bago sila sumailalim sa national inspection process. Sinuri ng GAP Team ang pagsunod ng mga magsasaka sa pamantayan kaugnay ng farm practices, dokumentasyon, sanitasyon, crop management, paggamit ng farm inputs, at mga hakbang para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Batay sa paunang pagsusuri ng inspection team, karamihan sa mga aplikante ay nakasunod sa ilang pangunahing GAP requirements at nagpakita ng dedikasyon sa pagpapatupad ng ligtas at napapanatiling produksyon ng gulay. Naipakita rin ng mga magsasaka ang mga kinakailangang dokumento at pagpapabuti sa organisasyon ng kanilang sakahan, wastong pagtatapon ng basura, at pagpapatupad ng mga natutunang cultural management practices mula sa FFS training.

Gayunman, may ilang bahagi pa ring kinakailangang paigtingin tulad ng maayos na record-keeping at dokumentasyon, wastong paglalagay ng label at pag-iimbak ng farm inputs, pagpapahusay ng sanitation facilities, at mas tuloy-tuloy na pagpapatupad ng food safety at environmental protection measures.

ff3263b7-06f0-48ae-850e-c241f98762a3.jpg

Magsasagawa rin ng follow-up validation upang muling suriin ang mga sakahan at alamin kung naisagawa na ng mga aplikante ang mga rekomendasyong ibinigay ng inspection team. Layunin nitong matiyak ang kahandaan ng mga magsasaka bago sila mairekomenda para sa national inspection process ng GAP certification.

Bilang bahagi rin ng pagpapalawak ng serbisyo at paghahatid ng teknolohiyang pang-agrikultura sa komunidad, ginamit sa aktibidad ang Agri Extension Wheels upang mapalapit ang mga serbisyong teknikal at impormasyon sa mga magsasaka.

Patuloy namang nagbibigay ng teknikal na suporta, monitoring, at gabay ang ATI-RTC 02 at DA-RFO 02 upang matulungan ang mga magsasaka sa pagsunod sa GAP standards at maisulong ang produksyon ng ligtas, de-kalidad, at marketable agricultural products sa bayan ng Sto. Niño.

article-seo
bad