Tue, 05/12/2026 - 13:48

received_1105760639290728.jpg

Pinagtibay ng Agricultural Training Institute - Regional Training Center 02 ang suporta nito sa mga komunidad sa pamamagitan ng pakikibahagi sa outreach activity na “Kapwa Ko, Malasakit Ko” na pinangunahan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company noong Mayo 5, 2026 sa Brgy. Planas, Ramon, Isabela.

Nagbigay ang ATI-RTC 02 ng suporta sa pamamagitan ng knowledge-sharing initiatives na pinangunahan ng mga technical staff nito, gayundin ng pamamahagi ng vegetable seeds at garden tools sa komunidad. Naghatid naman ng mensahe si Mr. Jhimcelle Salvador, chief of CDMS hinggil sa mahalagang papel ng ATI sa pagbibigay ng iba’t ibang agricultural training programs, extension support services, starter kits, at after-training support para sa mga magsasaka at komunidad.

20260505_090556.jpg

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng wastong paggamit ng mga starter kits tulad ng vegetable seeds, seedlings, at garden tools upang makatulong sa pagtatatag ng sustainable home at community gardens, pagpapalakas ng food security, at paglikha ng dagdag na kabuhayan.

Nagbahagi naman si Ms. Noemi O. Valdez ng kaalaman tungkol sa urban gardening, nursery management, at hydroponics. Nagsagawa rin siya ng hands-on activities ukol sa tamang paghahanda ng soil media at hydroponics management. Tinalakay naman ni Ms. Ivy Jarvinia ang natural farming inputs, partikular ang paggawa ng organic extracts at concoctions tulad ng Fermented Plant Juice (FPJ) at Fermented Fruit Juice (FFJ).

Nakatulong ang mga lecture at hands-on activities sa mga benepisyaryo lalo na’t nakatanggap din sila ng seeds at seedlings na maaari nilang gamitin upang maisabuhay ang kanilang mga natutunan mula sa mga resource persons.

Messenger_creation_10542EDE-DC90-4CAF-9AC0-98B111C101DE.jpg

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit of Ramon sa pangunguna ni Mayor Giovanni Vizcarra kasama sina PMAJ George C. Maribbay, MSgt Wilfredo Crisostomo ng Delta Coy 86th IB, Dr. Jilian Ramirez ng RHU Ramon, Mr. Michael A. Lantano ng AICE Cream, Mr. Jomar Alejandro ng Chili Grower of the Philippines, Mr. Ernesto Putang, Mr. Adriano Sabado, at PMAJ Jay Ar Olyaon.

Bahagi ang nasabing aktibidad ng isang sabayang outreach effort na kinabibilangan ng lectures, medical mission, tree planting, libreng gupit, feeding program, at pamamahagi ng fingerlings, damit, tsinelas, ice cream, relief packs, gayundin ng agricultural support tulad ng gardening tools, seeds, seedlings, at organic fertilizer.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na pinalalakas ng ATI-RTC 02 ang kakayahan ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at pagsusulong ng sustainable agricultural support.

Messenger_creation_53CA9A96-483E-47E8-8AF0-E2DBE7A6DAC2.jpg

article-seo
bad