Tue, 11/25/2025 - 15:56

584981617_1305424758293232_998286025775536107_n.jpg

Isinagawa ang final inspection para sa Good Agricultural Practices (GAP) re-certification ng Arubayan Farm ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center 2 noong Nobyembre 18, 2025.

Pinangunahan ito ni Ms. Ma. Christe Espanto, Agriculturist II ng BPI–BNCRDC Baguio City, kasama sina Mr. Reden Mark T. Casem, Agriculturist I, at Mr. Austhren F. Vidad, Agricultural Technologist mula sa DA–RFO 02.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Career Development and Management Section (CDMS) sa pamamagitan nina Ms. Noemi O. Valdez, focal person ng High Value Crops at Training Specialist II, Mr. Cupido Sabatin Jr., ARUBAYAN Farm Manager at Development Management Officer II, at Engr. Ella Jane G. Liclican, Network Controller I.

Sinimulan ang inspeksyon sa pamamagitan ng isang entrance meeting kung saan tinalakay ang layunin, iskedyul, at mga pamamaraang susundin sa buong proseso. Kasunod nito ay ang masusing pag-iikot at aktwal na pagsusuri sa iba’t ibang bahagi ng sakahan. Sinuri ng inspeksyon team ang pagpapatupad ng farm sa GAP standards, kabilang ang mga production area, pasilidad, at araw-araw na operasyon.

Pagkatapos ng site inspection, nagsagawa rin ang lead inspector ng dokumento at record review, kabilang ang mga sample at field operation logs, upang matiyak ang kabuuang pagsunod sa mga itinakdang GAP requirements.

Matagumpay na nagtapos ang inspeksyon nang walang naitalang non-compliance, patunay ng patuloy na pagsisikap ng sentro na mapanatili ang mataas na antas ng kalidad, kaligtasan, at integridad ng kanilang sistemang pang-agrikultura.

584433024_1305424921626549_979533445665717937_n.jpg

Ang positibong resulta ay nagsisilbing inspirasyon para sa ATI–RTC 02 ARUBAYAN Farm na lalo pang paghusayin ang kanilang produksyon at pangangalaga sa kaligtasan ng pagkain para sa komunidad.

Ang ARUBAYAN Farm ay nagsisilbing technology demonstration at learning area para sa mga agricultral extension workers at mga magsasaka.

article-seo
bad