Thu, 09/25/2025 - 18:03

553548161_828596562833001_2098165241569419769_n.jpg

Sa patuloy na pagsusumikap ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center 02 na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng ating mga magsasaka, matagumpay na nagtapos ang mahigit 1,500 miyembro ng mga Irrigators Association mula sa lalawigan ng Isabela sa programang Radyo Eskwela: School-on-the-Air (SOA) on Rice-Based Integrated Farming System (RBIFS).

Isinagawa ang seremonya ng pagtatapos sa New Community Center sa bayan ng San Mateo, katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office No. 2, National Irrigation Administration Region 2, NIA-MARIIS, Provincial Agriculture Office ng Isabela, at 26 na lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Layunin ng programang ito na palaganapin ang kaalaman sa Rice-Based Integrated Farming System, isang makabago at sustenableng pamamaraan ng pagsasaka na pinagsasama ang pagtatanim ng palay, paghahayupan, pag-aalaga ng isda, at iba pa upang mas mapakinabangan ang likas na yaman, mapataas ang ani, at magkaroon ng mas matatag at tuloy-tuloy na kabuhayan ang mga magsasaka.

IMG_7640.JPG

Sa mensahe ni Dr. Claris Marayag-Alaska, OIC-Center Director ng ATI-RTC 02, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa matagumpay na pagpapatupad ng programa. “Ang Radyo Eskwela ay hindi maisasakatuparan kung wala ang pagtutok, suporta, at dedikasyon ng ating mga partner agencies. Ang tagumpay ng mga magsasakang ito ay tagumpay nating lahat,” ani Dr. Alaska.

IMG_0185.JPG

Binigyang-diin naman ni Ms. Veronica Aron, IDS Chief ng NIA-MARIIS, ang kahalagahan ng kolaborasyon upang higit pang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng ating mga magsasaka. Ayon kay Mr. Sergio T. Galamgam, Provincial Agriculturist ng Isabela, ang pamahalaang panlalawigan ay patuloy na magbibigay ng suporta tulad ng libreng seedlings upang higit pang mapalago ang ani ng ating mga magsasaka.

IMG_0193.JPG

Naging kinatawan naman ni Regional Manager Raymundo B. Apil ng NIA Region 2 si Dr. Nenita P. Garcia, Community Relations Chief B bilang guest speaker, at kanyang pinuri ang mga magsasaka sa kanilang sipag at dedikasyon. “Ang magsasaka ay dating tinatawag na unsung hero. Ngunit ngayon, sila ay tunay na Bagong Bayani ng Bayan,” aniya.

Dagdag pa niya, ang tagumpay ng RBIFS ay nakasalalay hindi sa laki ng lupang sinasaka kundi sa tiyaga, sipag, at tamang paggamit ng kaalaman.

Dumalo rin sa programa si Isabela APCO Engr. William Contillo bilang kinatawan ni Dir. Rose Mary G. Aquino, Regional Executive Director ng DA-RFO 2 at Sangguniang Bayan Hon.Geo Niko Villarta  pati na rin ang mga Municipal Agriculturist at SOA Coordinators.

Bilang pagkilala sa kahusayan at aktibong partisipasyon, ginawaran ng parangal ang 26 na Outstanding Farmers mula sa iba't ibang bayan ng Isabela. Sila ay kinilala hindi lamang sa kanilang mataas na marka sa mga pagsusulit kundi pati na rin sa kanilang dedikasyong ipatupad ang mga natutunan mula sa Radyo Eskwela.

IMG_0125.JPG

Mga Natatanging Magsasaka:

Medel C. Florendo – Alicia

Loreto O. Navarro – Angadanan

Liander F. Manuel – Aurora

Amor Dela Cruz Foronda – Burgos

Tedito T. Bareno – Cabagan

Bonie C. Adame – Cabatuan

Joseph A. Benigno – Cauayan City

Reyno D. Pasana – Cordon

Dina S. Ordillo – City of Ilagan

Rogelio A. Sibalon – Echague

Martin A. Fajardo – Gamu

Raymundo J. Opdi – Jones

Nemesio F. Yadao – Luna

Nestor R. Ramiscal – Mallig

Neo A. Julian – Naguilian

Ray S. Diampoc – Quirino

Cecil S. Valera – Ramon

Alexander P. Ramirez – Reina Mercedes

Emelita D. Palaganas – Roxas

Gilbert S. Magpali – Santiago City

Cenon U. Agonoy – San Agustin

Alex C. Lomboy – San Isidro

Felino R. Mateo – San Manuel

Frank C. Santos – San Mateo

Joan V. Tumaliuan – San Pablo

Aurelia M. Macapagal – Tumauini

IMG_7628.JPG

“Ang pagsasaka ay hindi lamang paraan para makatawid sa buhay, ito ay landas tungo sa kasaganahan, inobasyon, at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang Pilipino. Sa pamamagitan ng Integrated Farming System, hindi lang tayo nagtatanim ng palay, nagtatanim tayo ng mga oportunidad. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng kakayahang mag-diversify at lubos na mapakinabangan ang biyayang kayang ibigay ng ating lupa. Isipin ninyo ang isang palayan na hindi lamang palay ang ani, kundi may gulay, isda, itik, kabute, at maging vermicompost. Kaya naman sa kabila ng mga krisis na kinahaharap ng ating bansa, maging ang katiwaliang nagnanakaw sa mga proyektong dapat sana'y panangga natin sa sakuna, huwag nating hayaang lunurin ng mga ito ang ating mga pangarap bilang mga magsasaka. Sa halip, tayo ay tatayo at magpapatuloy. Bilang mga magsasaka, alam nating dumarating ang baha, ngunit laging may dulo ang tubig. At pagkatapos ng unos ay may panibagong buhay na uusbong,” ani Pastor Cenon U. Agonoy, Outstanding Farmer mula sa San Agustin.

IMG_7731.JPG

Bilang pagtatapos, hinihikayat ng ATI-RTC 02 ang mga nagtapos na ipasa sa mga kapwa nila magsasaka ang kanilang mga natutunan. Dahil ang tunay na diwa ng programang ito ay hindi lamang para sa iisang magsasaka, kundi para sa buong komunidad.

Ang Radyo Eskwela SOA on RBIFS ay patunay ng pangako ng ATI-RTC II na palaging handang magsilbi at magbigay ng de-kalidad na edukasyong pang-agrikultura para sa bawat Pilipinong magsasaka.

Umere ang Radyo Eskwela sa DZDA Radyo Pangkaunlaran at Radyo BayaNIAn ng NIA. Samanatla, napanood naman ang mga episode sa Facebook sa buong buwan ng Agosto.

article-seo
bad