Fri, 09/12/2025 - 10:31

87d648ad-7f80-4ce4-8278-2880a65c32ec.jpg

Nagsanay ang 31 na farmer-leaders mula sa iba't ibang Farmers’ Cooperative and  Associations (FCAs) sa rehiyon sa Organizational Management and Farm Business Operation for Corn Cluster Areas noong Agosto 18-20, 2025, sa Agricultural Training Institute - Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) sa Malasin, San Mateo, Isabela.

Layunin ng pagsasanay na ito na paigtingin ang kakayahan ng mga farmer-leaders sa pamumuno at pamamahala ng kanilang samahan upang aktibong maisulong ang kanilang mga kooperatiba ng mais tungo sa isang matatag na agri-enterprise. Isinagawa ang mga  talakayan  at mga workshop upang gawing mas makabuluhan at interaktibo ang pagkatuto. Dahil dito, mas naunawaan ng mga kalahok ang mga tinalakay na paksa habang pinalalakas nila ang samahan at pagbabahaginan ng karanasan at kaalaman.

a7bb49d6-4e2c-4925-91d9-fe03b9540ae8.jpg

Tinalakay ng mga eksperto mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office 02 (DA-RFO 02), Isabela State University - Echague (ISU-Echague), Cooperative Development Authority (CDA) Region 02, Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at ATI-RTC 02 ang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) program, ang kasalukuyang estado at mga inisyatibo nito sa bansa at sa rehiyon, at ang kahalagahan ng mahusay na pamamahala sa mga kooperatiba.

Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng mainit na pagtanggap si Dr. Claris M. Alaska, OIC-Center Director ng ATI-RTC 02. Binigyang-diin niya na, “Ang pagsasanay na ito ay hindi lamang tungkol sa mga bagong kaalaman sa teknikal na aspeto ng pamamahala, kundi ito rin ay ukol sa pagbubuo ng iisang layunin at bisyon para sa mga corn cluster sa rehiyon."

d3a2ce2a-a02e-4534-89c3-b45ca8ddfc59.jpg

Bukod sa teoretikal na pagkatuto, napagtuunan din ng pansin ang mga praktikal na aspeto ng entrepreneurship, business management, at kahalagahan ng maayos na financial system at records management. Ipinaliwanag din ng ACPC ang mga pangunahing kinakailangan upang makalahok sa mga loan program ng gobyerno.

“Ang mga paksa ay talagang hamon at karagdagang kaalaman para sa amin bilang mga opisyal ng kooperatiba. Marami po akong natutunan sa training na ito at sana po ay mas marami pa ang mabigyan ng ganitong pagkakataon,” pahayag ni Ms. Evelyn D. Babling ng Runruno Community Multi-Purpose Cooperative sa Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa kabuuan, ang pagsasanay ay nagsilbing mahalagang hakbang upang mapalakas ang kapasidad ng mga farmer-leaders mula sa pamamahala ng kanilang mga organisasyon. Inaasahang magiging instrumento ito sa patuloy na pagsusulong ng isang mas progresibo at napapanatiling agrikultura sa buong Rehiyon Dos.

article-seo
bad