Wed, 02/04/2026 - 10:05

fc444dd0-c8cb-415d-b374-00ffdf235540.jpg

Labindalawang mag-aaral ng Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) at Bachelor of Science in Agriculture (BSA) major in Extension mula sa Isabela State University (ISU) San Mariano Campus at Central Luzon State University (CLSU)  ang opisyal na na-deploy sa ATI-RTC 02 para sa kanilang dalawa hanggang tatlong buwang internship.

Malugod na tinanggap ng ATI-RTC 02 ang panibagong batch ng mga On-the-Job Training (OJT) students sa isinagawang orientation at welcoming program noong February 02, 2026 sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga mag-aaral ng makabuluhang praktikal na kaalaman at karanasan na magagamit nila sa kanilang napiling propesyon, lalo na sa larangan ng agrikultura at teknolohiya.

61fa9f9a-43d7-46e5-be6b-da89dadaaf5e.jpg

Sa kanyang mensahe, inihalintulad ni Center Director Dr. Claris M. Alaska ang mga OJT sa mga punlang kailangang alagaan upang lumago, habang ang ATI naman ay nagsilsilbing patubig na tutulong sa kanilang pag-unlad. Hinikayat niya ang mga mag-aaral na magtulungan at magkaisa upang makabuo ng mga makabago at kapaki-pakinabang na proyekto para sa sektor ng agrikultura.

Binigyang-diin din ni Dr. Alaska ang kahalagahan ng pagsasanib ng agrikultura at teknolohiya, partikular ang papel ng Information Technology sa modernong pagsasaka. “Ang agrikultura na sinusuportahan ng automation o IT ay magbubunga ng makabagong agrikultura o smart agriculture, ani Dr. Alaska.

13846717-44c7-4100-83fb-f8acc6870020.jpg

Bahagi rin ng programa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng ATI-RTC 02 at ng mga katuwang na pamantasan para sa isang tatlong-taong kolaborasyon sa internship program. Pinagtibay ng kasunduang ito ang patuloy na ugnayan ng mga institusyon sa paghuhubog ng mga kabataang propesyonal na handang maglingkod at mag-ambag sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa.

Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang higit pang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral at mapalakas ang integrasyon ng kaalaman, teknolohiya, at inobasyon sa sektor ng agrikultura.

 

By: Dr. Maurianne Turingan

article-seo
bad