Ang Newcastle Disease ay sanhi ng isang uri ng virus o peste na nagdudulot ng nakamamatay na sakit sa mga manok, kalapati, pugo at iba pang uri ng ibon. Kadalasan makikita sa mga napesteng manok ay ang pag ikot ng ulo (torticollis), pamamaga ng mga mata, hirap na paghinga at paghahalak.