Kabilang ang mustasa (Brassica juncea) sa mga dahong gulay. Sa kabila ng kakaibang amoy at lasa nito, ang mustasa ay nagtataglay ng bitamina A, K, calcium, iron, at phosphorus. Maaari itong kainin nang hilaw, binuro o hinahalo sa ulam.
Magandang itanim ang mustasa sa lupang buhaghag na sagana sa organikong pataba at may tubig.