Ang okra (Hibiscus esculentus L, Abelmoschus esculentus L. Moench) ay kabilang sa pamilya ng Solanaceous. Kilala ito bilang "saluyot a bunga" sa Ilocano at kaluyot sa Ifugao. Isa itong kilala at karaniwang gulay sa merkado. Ang mga bunga nito ay maaaring kaining hilaw, pinakuluan o pinirito. Nagtataglay ang mga buto ng okra ng dekalidad na klase ng langis at protina.
Ang okra ay maaaring lumago sa buong taon mula sa mababa hanggang sa gitna ng medyo mataas na lugar na may sapat na patubig. Pinakamahusay na itanim ito sa lupang buhaghag (sandy loam) na may 5.5 -7.0 pH sa mahabang panahon ng tag-init.