Cutworm

Karaniwang Pangalan: Cutworm
Order or Family: Lepidoptera:Noctuidae
Pangalan sa Filipino: Mamumulpol
Scientific Name: Spodoptera litura
PAGLALARAWAN
Ang mga cutworm ay may kulay na itim na kayumanggi na may puting guhit sa may pakpak at sila ay aktibo sa gabi. Ang mga itlog ay matatagpuan sa dahon ng palay. Ang larvae nito ay bumababa sa lupa o sa pinaka-puno ng halaman sa katindihan ng init ng araw. Habang ang larvae ay lumalaki ito ay nagpu-pupate sa lupa.
PAMAMARAAN SA PAMAMAHALA
Kultural na Pamamaraan
- Gumawa ng punlaan malayo sa madadamong lugar; at
- Panatilihing malinis ang kapaligiran ng sinasakang lupa.
Biyolohikal na Pamamaraan
- Pinaparasitiko ng Scelionid at trichogrammatid ang mga itlog ng cutworm;
- Pinaparasitiko ng mga Braconid, eulophid, chalcid, at tachinid ang larvae ng mamumulpol; at
- Kinakain naman ng mga gagamba ang paruparo.
Mga Yugto ng Paglaki
Itlog | 2-4 araw |
Uod | 20 araw |
Pupa | 6-7 araw |
Matanda | 5-7 araw |
Mga Katangian ng Sira
Ang mga batang caterpillar ay kumakain lamang ng mga dahon at ang mga may edad na larvae ay kayang kumain ng prutas at bulaklak. Pinuputol nito ang mga pinakpuno ng punla.