Pagpapalakas sa Industriya ng Niyog at Kakaw: Inobatibong Pagpoproseso at Pagnenegosyo ng mga Produkto

Sat, 07/26/2025 - 14:57
CocoCacaoFusion


Upang mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka sa pagpoproseso at pagbebenta ng kanilang mga produkto sa mas malawak at mataas na halaga ng pamilihan, matagumpay na isinagawa ang “Training on Coconut and Cacao Fusion: Value Chain-based Product Development and Market Integration” para sa 30 magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng CALABARZON.


Pinangunahan ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang MoCa Family Farm RLearning Center, ginanap ang aktibidad sa Auspere Nature Farms—isang kinikilalang Learning Site for Agriculture (LSA) sa Silang, Cavite.


Sa kabila ng hamon ng maulang panahon, aktibong nakibahagi ang mga magsasaka sa pagsasanay na naglalayong iangat ang kalidad ng kanilang produkto, dagdagan ang kita, at mapalawak ang abot ng kanilang merkado.

“It is a privilege to learn and experience hands-on activities for the development of cacao-coconut fusion products na indeed can be helpful to provide a higher value of raw materials and improve ‘yung streams of income ng mga farmers,” pahayag ni Bb. Carla Pante, isa sa mga kalahok sa pagsasanay. 

 

Dagdag pa niya, hinikayat sila ng aktibidad na mas maging inobatibo at pagsikapang ipakilala ang mga lokal na produkto hindi lamang sa loob ng bansa. 

 

Sa pagtatapos ng programa, nagpaabot ng mensahe sina Dr. Rolando Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON; gayundin sina G. Ricky Perez, Auspere Nature Farms Owner; at Bb. Gigi Pontejos-Morris, MoCa Farm School Director. 

 

Ulat ni: Alfredo Torres, Jr. (TSS IV/PMEU)

 

article-seo
bad