
PADRE BURGOS, QUEZON - Matagumpay na isinagawa ng DA-ATI CALABARZON, sa pakikipagtulungan ng Southern Luzon State University (SLSU) College of Agriculture, ang dalawang pangkat ng “E-NIYOGgosyo: Enhancing Coconut Farmer’s Livelihood through Integrated Organic Coconut Farming System.”
Aktibong lumahok sa nasabing pagsasanay ang pitumpung (70) kalahok mula sa mga miyembro ng Sta. Rita Agriculture Cooperative, Padre Burgos Coconut Farmers Agriculture Cooperative, Samahan ng Magniniyog sa Walay Agriculture Cooperative, Unique Agriculture Cooperative, at San Vicente Coco Farmers Association.
Ilan sa mga tinalakay na paksa sa pagsasanay ay ang Coconut-Vegetable Integration System, Coconut-Livestock Integration System, Sustainability of Organic Farming System, Soil Management and Composting under Coconut Farming System, Coconut-Fruit Tree Integration Farming System, Other Possible Businesses in Coconut Farming System, at Values Formation para sa mga magniniyog na lumahok.
Naging tagapagtalakay sina G. Karl Niño D. Sisperez, Engr. Dave Gulifardo, at Bb. Glemechille D. Maestro mula sa SLSU College of Agriculture.
Sa pagtatapos, pinasalamatan ni Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, ang mga lumahok para sa isang produktibong araw at sa paglalaan ng kanilang oras sa nasabing gawain.
Layunin ng pagsasanay na paunlarin ang kakayahan ng mga magsasaka sa mga kasanayan at kaalaman na may kaugnayan sa integrated coconut-based farming system upang mapalawak at mapaunlad ang kanilang kasalukuyang kabuhayan mula sa pagniniyugan.
Ulat ni: Hans Christopher Flores