Bilang bahagi ng layuning mapataas ang kalidad ng produksyon ng palay at maitaguyod ang tamang paggamit ng pataba at pamamahala ng patubig, nagsagawa ang DA-ATI CALABARZON ng pagsasanay para sa mga magsasaka mula sa Batangas hinggil sa makabagong teknolohiya ng Integrated Nutrient and Water Management sa pagpapalay.
Sa pakikipagtulungan ng DA-CALABARZON Regional Field Office F2C2, DA-BSWM, at DA-PhilRice Los Baños, isinagawa ang pagsasanay na “Building Stronger Rice Communities: Advancing Knowledge in Integrated Nutrient and Water Management” sa Obdulia F. Sison Hall, UPLB, Los Baños, Laguna mula Nobyembre 11 hanggang 14, 2025.
Nasaksihan ng mga kalahok ang aktwal na paggamit ng iba’t ibang diagnostic tools para sa Integrated Nutrient and Water Management tulad ng Minus-One Element Technique (MOET) App, Leaf Color Chart (LCC) at LCC App, PalayCheck App, Cropping Pattern and Calendar (CPC) Tool, at Alternative Wetting and Drying (AWD).
Bilang pagtatapos ng pagsasanay, nagbigay ng pangwakas na mensahe sa pamamagitan ng video message si Center Director Dr. Rolando V. Maningas, RAgr, ng DA-ATI CALABARZON bilang pagkilala sa tagumpay ng isinagawang programa.
Ulat ni : Jannah Sarvida (TSS IV / PAS)