Mas De-kalidad na Imprastrukturang Pang-agrikultura, Layon ng Pagsasanay Para sa 27 ABEs sa CALABARZON

Fri, 09/26/2025 - 15:34
Imprastrukturang Pang-agrikultura

 

 

Nagtapos ang 27 Agricultural and Biosystems Engineers (ABEs) mula sa CALABARZON sa isinagawang “Training on Preparation of Detailed Engineering Design (DED) and Program of Works (POW) for Agricultural Structures.”

 

Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang magagamit ng mga “bayaw” ang kanilang mga natutuhan upang higit na mapaunlad ang kanilang mga lokal na proyekto at makapag-ambag sa pagpapatibay ng imprastrukturang pang-agrikultura sa rehiyon.

 

“Sobrang dami kong natutunan sa training. Mula sa PERT (Project Evaluation and Review Technique), CPM (Critical Path Method), Gantt Chart, at S-Curve, nakatulong talaga para mas maintindihan ko kung paano iplano, i-schedule, at i-monitor ang mga project. Mas clear na sa ‘kin kung paano masisigurong maayos ang takbo ng isang project nang hindi lumalagpas sa budget at oras,” ani Engr. Ivan Kurt Alfonso mula sa lokal na pamahalaan ng Pakil, Laguna.

 

Dagdag pa niya, “Nagustuhan ko rin ‘yung AutoCAD layouting kasi hands-on at very practical. Nakadagdag siya ng confidence ko sa paggawa ng technical drawings na magagamit sa DED. Very applicable sa actual work ang training. Sana  mai-apply ko ito sa mga agricultural project ng aming LGU para mas maging maayos at kapaki-pakinabang para sa farmers.”

 

Nagsilbing mga tagapagsanay ang mga eksperto mula sa DA-Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE) na sina Engr. Renren Jay Pasia, Engr. Mark Lester Natividad, at Engr. Romel Caballero. Kanilang binigyang-diin ang mahahalagang nilalaman ng DED at POW bilang pangunahing sangkap sa matagumpay na pagpaplano, pagdidisenyo, at pagpapatupad ng mga estrukturang pang-agrikultura.

 

Sa pagtatapos ng programa, ipinaabot ni Bb. Sherylou Alfaro, Assistant Center Director ng DA-ATI CALABARZON, na kasalukuyang binubuo ng ahensya ang curriculum framework para sa Agricultural and Fisheries Mechanization na naglalayong mas mapalawak at mapatatag ang mga programa ng pagsasanay para sa mga ABE at iba pang mga extension worker sa rehiyon.

 

Ulat ni: Engr. John Mendoza (Training Specialist I / CDMS)

 

article-seo
bad