TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang “Training on Farm Business Planning” para sa mga intern ng Batch 1 at 2 at mentor ng Batch 2 noong ika-28 hanggang ika-30 ng Agosto, 2024 sa DA-ATI CALABARZON Training Hall.
Ang nasabing gawain ay naglayon na madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok ukol sa basic management techniques at entrepreneurship sa ilalim ng organikong pagsasaka.
Pinangunahan ang pagsasanay ng Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng ahensya. Samantala, nagsilbi namang tagapagtalakay si G. Brian A. Belen, isang subject matter specialist mula sa Marelson Farms; at Gng. Soledad E. Leal mula naman sa DA-ATI CALABARZON.
Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, sinimulan ng mga interns ang pagbalangkas sa kanilang Business/Enterprise Proposal (BEP) na kanilang ihaharap sa Regional Screening and Selection Committee (RSSC) sa Oktubre.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, binati ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang mga intern at mentor. Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa mga mentor sa patuloy na paggabay sa 10 interns ng Batch 2 ng YIPOA.
Ulat ni: Bb. Soledad A. Leal