Cavite State University, wagi sa Regional Kabataang OA 2025

Wed, 10/29/2025 - 09:27
KabataangOA2025

 

 

Itinanghal na bagong kampeon si Rina Cristy Quia ng Cavite State University (CvSU) sa isinagawang Regional Kabataang OA 2025 noong Oktubre 24, 2025, sa Southern Luzon State University (SLSU), Lucban, Quezon.  

Kasabay ng pagdiriwang ng National Agriculture and Fisheries Extension Service Month, nagsasama-sama ang 56 na mga mag-aaral ng agrikultura upang makipagtagisan ng talas ng isip sa organikong pagsasaka.

Ang nasabing quiz bee ay naging makabuluhan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng State Universities and Colleges (SUCs) sa rehiyon na sumusuporta sa programa simula pa noong 2016:

  • Cavite State University (CvSU)
  • Laguna State Polytechnic University (LSPU)
  • University of Rizal System (URS)
  • Southern Luzon State University (SLSU)
  • Polytechnic University of the Philippines (PUP)
  • Philippine Normal University (PNU) South Luzon
  • Batangas State University - The National Engineering University (BatStateU-The NEU)

Samantala, ngayong taon naman ay muling nagbalik sa patimpalak ang University of the Philippines Los Baños (UPLB).

Nagsilbing mga tagapamagitan o hurado ang mga eksperto sa organikong agrikultura sa rehiyon na sina G. Brian Belen mula sa Marelson Farms, at sina G. Dhu Mendoza at G. Arnaldo Gonzales mula sa DA-Regional Field Office CALABARZON.

Narito naman kumpletong listahan ng mga nagwagi sa nasabing patimpalak: 

  • Kampeon: Rina Cristy  Quia (CvSU)
  • Ikalawang Pwesto: Justine Felisilda (PNU South Luzon)
  • Ikatlong Pwesto: Elmer Pacia (CvSU)
  • Ikaapat na Pwesto: Michaela Alea Abo (CvSU)
  • Ikalimang Pwesto: Mary Grace Landicho (SLSU)
  • Ikaanim na Pwesto: Kevin Patrick Rolle (CvSU)
  • Ikapitong Pwesto: Aicel Kris Recamara (PUP)
  • Ikawalong Pwesto: Frances Rose Halayjay (BatSU)
  • Ikasiyam na Pwesto: Lean Joy Leynes (LSPU)
  • Ikasampung Pwesto: Roan Adriel T. Chavez (BatSU)

Samantala, kakatawanin naman ni Quia ang CALABARZON sa National Kabataang OA 2025 na gaganapin sa darating na Nobyembre upang muling depensahan ang kampeonato ng rehiyon.

“Ang inyong pagsisikap at pagmamahal sa organikong agrikultura ay inspirasyon tungo sa mas luntian at mas malusog na kinabukasan para sa lahat,” ani Dr. Rolando Maningas, DA-ATI CALABARZON Center Director, sa kanyang mensahe sa mga kalahok.  

Samantala, pinangunahan naman ni Asst. Center Dir. Sherylou Alfaro ang paggawad ng sertipiko at karangalan sa mga nagsipagwagi sa nasabing patimpalak. 

 

Ulat ni: Soledad E. Leal (Agriculturist II / PAS)

 

 

article-seo
bad