TAYABAS CITY, Quezon – Binigyang-pansin ng Regional Private Agriculture and Fisheries Extension Service Providers (PAF-ESP) Council ang kalidad ng serbisyo at ang pagganap ng mga PAF-ESP sa CALABARZON sa kanilang isinagawang pagpupulong noong ika-27 ng Oktubre.
Tungkulin ng PAF-ESP Council ang balidasyon at akreditasyon ng mga aplikanteng PAF-ESP sa rehiyon. Kaya naman pangunahing layunin ng pagpupulong ang makapaglatag ng mga estratehiya na makatutulong upang mapanatili ng bawat PAF-ESP sa rehiyon ang pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pang-ekstensyon at patuloy na maging aktibong kaagapay ng DA-ATI CALABARZON.
Sa kabilang banda, naging highlight din ng nasabing gawain ang paggawad ng plake ng pagkilala sa mga kontribusyon ng mga miyembro ng Council na nakatapos ng kanilang termino taong 2020-2023. Kabilang sina Dr. Lilibeth P. Novicio, SUC Representative; Bb. Eugenia Buctuanon, RAFEN Representative; Bb. Suzette Sales, Private Sector Representative; Bb. Lilian Telmo, Cavite Representative; Bb. Frene dela Cruz, Laguna Representative; at Engr. Pocholo Raymundo, Rizal Representative.
Ulat ni: Ric Jayson Arreza