Kakayahan sa Produksyon at Pamamahala ng Baka, Pinalakas para sa mga Benepisyaryo ng LEED

Mon, 07/13/2026 - 16:01
Pinaigting ang kaalaman at kasanayan ng 52 benepisyaryo ng Livestock Economic Enterprise Development Program (LEED) sa wastong produksyon at pamamahala ng baka sa pamamagitan ng dalawang pangkat ng Training on Animal Production and Management for DA-RFO Beneficiaries (Cattle) na isinagawa noong Hunyo 24-26 at Hulyo 8-10, 2026, sa Calungsod Integrated Farm, Tiaong, Quezon. Ang LEED ay isang programa ng DA at National Livestock Program (NLP) na naglalayong tulungan ang maliliit na magsasaka at kooperatiba na

 

Pinaigting ang kaalaman at kasanayan ng 52 benepisyaryo ng Livestock Economic Enterprise Development Program (LEED) sa wastong produksyon at pamamahala ng baka sa pamamagitan ng dalawang pangkat ng Training on Animal Production and Management for DA-RFO Beneficiaries (Cattle) na isinagawa noong Hunyo 24-26 at Hulyo 8-10, 2026, sa Calungsod Integrated Farm, Tiaong, Quezon.

Ang LEED ay isang programa ng DA at National Livestock Program (NLP) na naglalayong tulungan ang maliliit na magsasaka at kooperatiba na gawing negosyo ang pag-aalaga ng hayop. Bilang ahensyang naghahatid ng mga pagsasanay, katuwang ang DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga benepisyaryo nito upang mapataas ang produksyon, mapaunlad ang kanilang kabuhayan, at makaambag sa pagpapalakas ng industriya ng baka sa rehiyon.

“Marami kaming natutunan sa livestock, at s’yempre, sa pag-aalaga ng baka, breeding selection, sa anatomy and physiology, at sa iba pa pong aspeto. At higit po sa lahat, napakahalaga po ng pagsasanay na ito, lalo na po sa ating mga magsasaka dahil sila ang  tatanggap ng proyekto; sila ang pangunahing magpapatuloy at magpapaunlad ng bakahan sa industriya,” ani G. Mark Lowel P. Palicpic ng DA-Agricultural Program Coordinating Office (APCO) ng Rizal, na kalahok din sa pagsasanay.

“Itinuturing ko po ang experience ko na very interesting and educational po sa katulad ko po na first-time um-attend sa training ng ATI.  ‘Yung natutunan ko po dito ay ang aking ibabahagi sa aking mga kasamahan sa aming kooperatiba para sama-sama po kaming uunlad sa aming enterprise,” pahayag naman ni Bb. Geraldine C. Fortunad, kalahok mula sa Brgy. Laurel Multi-Purpose Cooperative sa Taysan, Batangas.

Sa pagtatapos ng programa, binati at pinasalamatan ni Dr. Rolando V. Maningas, RAgr, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, ang mga samahan ng mga magsasaka at Agricultural Extension Workers (AEWs) na nakibahagi sa pagsasanay. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbabahagi ng mga natutuhang kaalaman at teknolohiya upang mas maraming magsasaka ang makinabang sa mga programang pang-agrikultura.

Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Wilmer S. Faylon, RAgr, Livestock Program Coordinator ng DA-Regional Field Office IV-A. Aniya, mahalaga ang patuloy na pagsasanay bilang susi sa pagpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng mga benepisyaryo ng LEED tungo sa mas episyente at sustenableng produksyon ng baka.

Inaasahang makatutulong ang mga natutuhang teknolohiya at mahusay na pamamahala sa pagpapataas ng produksyon ng baka, pagpapalakas ng kabuhayan ng mga magsasaka, at pagsusulong ng sapat at ligtas na suplay ng pagkain sa kanilang mga komunidad.

Ulat ni: Hans Christopher C. Flores, RAgr

 

article-seo
bad